CHAPTER 13

326 8 0
                                    

CHAPTER 13

~HIDEOUT~

" Asan na sila"

Nakarating na ako sa hideout at magulo sa labas.

" Umalis na sila." Sagot nito at pinanood saaken ang kuha ng cctv.

" Pilit silang pumapasok rito. Nagtapon pa sila ng granada upang mawasak un gate. Pero pinigilan ko agad ito."

Pinause ko ang video ng makita ko ang pagmumuka ni Rhocky.

Ang walang hiyang to!

Ang lakas ng loob niya para sugudin kami at manggulo rito!

Hindi ito ang main Hideout namen. Pero importante paren saaken ang lugar nato.

Lalo na nandito ang ibang ala ala ng dating RDG.

" Hindi ako papayag sa ginawa nila. Ihanda mo ang squad. Babawi tayo"

" Ngunit May Gang Fight ang DLG mamayang gabi."

" Tamang tama. Manggugulo tayo sa Laban nila. Hindi ako makakapayag na manatili sila sa pwesto nila!"

Ang lakas ng loob mong kalabanin ako Rhocky..

Pwes Maghanda ka. Luluha ka ng Dugo!

KIM POV

" Hindi niyo ba talaga nakita si Ghail?o matawagan man lang." Kanina pa kami naghihintay sakanya.

Hindi din siya pumasok.

" Baka may problema sa Hideout. Kaya wala siya rito. Di ring nagriring phone niya eh." Sambit ni Mich

" Tignan niyo nga Phone Watch niyo." Suggest ko at sinilip ko rin yun aken.

Wala naman.

" Wala. So ano na guys?"

" Eh baka nga nasa Hideout o nasa bahay na. Alam niyo naman kapag sinumpong yon." Saad ni Alex

May point siya pero ni hindi man lang sumagot sa tawag at text namen.

Napakaisnabera talaga ng babaeng yon.

Hindi pa bukas ang gate kaya nanatili muna kami sa Bench.

Saka Hinihintay pa namen si Yannie na nagpunta sa Library para manghiram ng Libro.

" Ang tagal naman ata ni Yannie. Eh nanghiram lang naman siya" sabi ni Mich

" Mainipin ka naman jan. Malay mo madami tao doon." Singhal ko.

Syempre alam ko yon at lagi ako sa Library.

" Yeah. Whatever."sabay irap pa nito.

Iba din trip ng babaeng to.

" Ayon na siya oh . Teka . Si Jv ba kasama niya?" Aniya at tinuro pa ang dalawa.

Aba! Magkasama nga.

Halatang nalilibang sila sa pinaguusapan nila.

Kailan pa naging close ang dalawang to?

" Hoy Yannie. Bakit kasama mo ang lalakeng yan?" Singhal ni Mich rito ng makalapit na saamen.

" Nakasabay ko lang siya." Anito

Pumagitna naman ako sakanilang dalawa. At pinandilatan ko si Jv

" At bakit mo naman siya sinabayan ha?"tanong ko kay Jv

" nagiisa lang siya kase kaya sinamahan ko siya." Sagot nito

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon