GHAIL POV
Nanalo ang DLG.
May daya na naganap eh.
Kilala ko si Loui Hindi basta basta magpapatalo yon. Lalo na Rank 4 sila. Tch
" Pansin mo ba yon Ghail, para bang may mali sa laban nato." Saad ni Alex.
Mabuti napansin din niya yon.
" Yeah. May mali sa naging laban" hindi ako sangayon sa pagkanalo ng DLG..
"Sino gusto mo makalaban? Tanong naman ng Mc sa Leader ng Dlg.
" well ang rank 3 ang gusto ko makalaban" mayabang na sambit nito
" wow hah!"
Gusto nila kalabanin ang rank 3?Ang RLD ang gusto nila makalaban? Minamaliit niya si Kevin huh? Tch
" ang yabang na. Nanalo lang eh. Gusto pa ang grupo ni Kevin ang makalaban. Wow ha." Iritadong saad ni Alex
" diba sila nahihiya sa sinasabi nila?" Sabat rin ni Yannie
" Kaya nga, Rank 3 pa ha.." sambit din ni Mich
Tumayo ako. Kita ko naman un pagtataka nila pero tumayo narin sila at nagsigawan un mga Tao rito..
Syempre makikilala nila kami dahil sa hood na suot namen.
Sino ba di makakakilala sa Mga suot namen diba? Nahagip ng tingin ko ang grupo ng mga lalake sa tapat namen na nakatingin saamen.
" ano balak mo ghail?" Tanong saaken ni Mich
Tinaasan ko lang siya ng Kilay na nagets narin niya siguro.
" Well mabuti pa nga." Anito
" lets go" aya ko sakanila
Naglakad na kami papunta sa gitna.
Tumahimik naman na un mga nanonood.
" Hello Rhocky" cold na bati ko rito.
Napaatras naman ang mga ito. " R-RDG?" gulat na gulat na sambit nito
Hindi niya siguro inaasahan na nandito kami. Well ngayon ka magmayabang sa Harap namen..
" Ang RDG! " sigaw ng ilan tao rito.
" Oh andito rin pala ang RDG. Hindi namen inaasahan na nanonood pala kayo" saad ng MC at lumapit saamen.
Kabadong kabado ito ha. Halata eh sa pagkakahawak niya sa mike at pinagpapawisan na siya.
" Relax Mc, hindi naman kami kumakain ng tao para kabahan ka." Biro pa ni Mich.
Tsk. Ang babaeng to.
" Well hindi ko inaasahan na manonood kayo ng laban namen." Mayabang na sambit ni Rhocky
" Nagulat kaba?" Singhal ko rito.
" O-of course not. H-hindi ko lang inaasahan na pupunta kayo rito." Saad pa nito at lumayo pa lalo saamen.
Tsk. Nangangatog na ang mga tuhod nito.
" Ano bang kailangan niyo?Nanalo na kami." Nakangisi nitong sambit.
Kahit halatang natatakot hindi parin nawawala un kayabangan niya.
Turuan ko kaya to ng leksyon.!
Hinablot ko agad un knife na hawak ng kagrupo niya at hinila sya patalikod at tinutok un knife sa, leeg nia.. rinig ko pa yun sigawan lahat.