CHAPTER 66

185 5 2
                                    

Chapter 66

ALEX POV

" Bihis na bihis Yannie huh? San punta mo?" Singhal ni Mich kaya napatingin nako rito.
Bihis bihis nga. Saan punta nito?

" Ayunnie may date kayo ni Jv?" Panunukso ni Kim

" O-oo. May date kami ngayon. Sige alis nako " nagmamadaling lumabas ito. Anyare dun?

Nagkatinginan naman kaming tatlo. Nakakapagtaka kasi kinilos nito eh.

Lumapit na saaken un dalawa " Pansin niyo ba un? parang may kakaiba kay Yannie" saad ni Mich

" Oo nga eh, napansin ko din un kanina . Ano kaya meron?"

Nagkibit balikat na lamang ako. Wala din naman ako isasagot sakanila , pare parehas lang kaming walang alam.

Maybe si Ghail masasagot niya un pero wala siya dito eh.

" Wag niyo nalang pansinin, baka excited lang un makipagdate kay Jv" sagot ko

" Excuse me. "

Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita at si Helena lang pala nakatayo sa may hagdan.

" May kailangan ka?" Saad ni mich at lumapit na rito

" G-gusto ko sana itanong kung kilala niyo si Ethan David?"

Nagkatinginan naman kami ni Mich sa pagkabigla Kilala niya pala si Ethan.

" Kilala mo si Ethan?" Tanong ko . Gusto ko lang makasigurado

" Oo. Childhoodfriend kami." Sagot nito

Childhoodfriend sila?!

Nilingon ko si Kim at wala man lang kareaksyon reaksyon to, so may alam siya about doon.

" Sabihin monga saamen kim alam mo ang tungkol doon?" Diko na napigilan pang tanungin ito.

" Hmm yes, nasabi na ni Zeke saamen ang tungkol doon. Kaya hindi na ako nagulat pa " aniya

Matagal na pala niyang alam huh. Binalik ko tingin kay Helena na nakaupo na sa sopa.

" alam ba ni Ethan na buhay ka?"

Umiling iling ito " Hindi niya alam na buhay ako. Actually tulad nga ng sinabi ko nagpanggap si Heira bilang ako kaya si Heira ang laging nakakasama ni Ethan kaya hindi kona alam ang nangyayare sa buhay niya." Malungkot na saad nito

" Dont worry, maayos ang kalagayan ni Ethan. Pero minsan cold. Nun una nga namen nakilala ang grupo nila eh napakayabang nila. Saka lagi nga silang nagaaway ni Ghail eh. "

Talagang sinabi pa ni Mich ang tungkol sa pagaaway ni Ghail at Ethan huh.

" Hindi ganun si Ethan sa pagkakaalala ko mabait siya. Maalalahanin na tao. Kaya hindi ko akalain na magiging ganun siya."

" Lahat ng tao nagbabago Helena, kaya wala na tayong magagawa pa if nagbago si Ethan" saad ko. Hindi narin nakakapagtaka kung nagbago man si Ethan.

" Yeah, Alex is right. " pagsangayon ni Kim

" P-pero ano naba nangyayare talaga? Diba nasabi niyo parte kayo ng RDGang? Gusto ko lang malaman kung ano na balita kay Hero?"

Tumingin saaken un dalawa.
Maybe hinihintay nilang ako ang sumagot rito. Hayss.

Huminga muna ako ng malalim at seryosong tumingin kay Helena.

" Delikado na ang taong un, magagawa na niya ang lahat ng gusto niya. Mafia boss na siya ngayon at hawak siya ng ibat ibang mafia boss sa ibang bansa kaya napakadelikado niyang tao. Hindi tulad noon, may limitasyon pa siya na gumawa ng kasamaan pero sa ngayon kasi.. " huminto muna ako baka kasi matakot ito eh " are you sure na gusto mong malaman ang lahat ng tungkol rito?" Gusto ko lang makasigurado na hindi siya maaapektuhan.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon