CHAPTER 68: Ghail is Dead.
" Eros" pagtawag ko rito na agad naman itong lumapit.
" Uno"
" How is She?" kilala na niya kung sino ang tinutukoy ko.
" Inoobeserbahan parin siya ni Rem, wala parin siya sa sarili pero sinigurado naman niya na maibabalik nila ito sa date. Iuupdate daw nila tayo agad." Aniya
Nagwala ito, pagkagising niya kaya hindi ko siya nakausap.
Nakakapagtaka lang nun una namen ito nakita maayos pa siya kausap?
Nalaman ko din na buntis siya. 2 Weeks na rin ang tyan niya at hindi ko alam kung si Hero ba ang ama ng pinagbubuntis niya.
Ang hayop niya!
" Anyway, May balita naba sa PxGang? Pinaghahanap naba nila si Heira?" 2 araw na ang nakalipas ng itakas namen si Heira at tahimik parin ang kampo ni Hero.
" Sa ngayon wala pa, nananahimik parin ang mga ito kahit nabalitaan na ni Hero ang nangyare, pero nakasubaybay parin kami sa isang hideout nito." anito.
Nakakapagtaka, bakit parang wala silang gagawin sa nangyare? Anong pinaplano ni Hero?
Sa pagkakaalam ko mahalagang tao si Heira sakanya pero bakit ang tahimik niya ata?
Napatingin ako kay Zeke ng magsalita ito.
" Kung iniisip mo na hahayaan lang ni Hero ang ginawa naten, nagkakamali ka Ms.Tan"
Tsk.
" Hindi naman ako mangmang para isipin ang bagay nayan. Kahit dimo sabihin alam kong may pinaplano ang date mong Pinuno." sagot ko.
Hindi ako tanga para isipin ang bagay na yun. Kahit papaano may alam ako sa Hero Vasquez nayan. Hindi ko man siya kilalang mabuti alam ko galawan ng katulad niya.
" Bakit hindi kapa maghanda? Malay mo nasa daan na ang mga tauhan nito at pinaghahanap kana nila.?" tinatakot bako ng lalakeng to? Baka nakakalimutan niya nakilala siya ng mga nakasagupa namen.
Tinaasan ko ito ng kilay.
" Well maski ikaw maghanda hindi lang ako. Nakilala ka ng mga pxgang nayun kaya nakakasigurado akong damay ka sa gulong ito."
Masyado siyang kampante, damay rin naman siya.
" Handa ako Ms.Tan, handa na akong harapin si Hero." seryoso nitong saad.
Hmm. Tinitigan ko ito ng mabuti kung handa nga ba siya sa pwedeng mangyare?
Napansin naman niyang tinitignan ko siya kaya umiwas nalang din ako. Baka ano pa isipin eh.
" What? Bakit mo ako tinititigan ng ganyan huh?" singhal nito.
" Wala!" sagot ko at iniwan nalang siya.
Sabagay may point siya, Dapat na nga akong maghanda.. Hindi nako nakakatiyak pa na ligtas kami sa mga oras nato..
Napatingin ako sa relo ko at past 8 pm na din pala. Kailangan ko na sigurong umuwi na.
Aalis na sana ako ng marinig ko ang boses ni Tyler na tinawag ang pangalan ko.
Nilingon ko ito.
" Ate Ghail"
" May kailangan ka?" Ngayon ko na lamang siya nakausap. Nagpupunta man ako lagi rito nasa kwarto naman siya kaya hindi rin kami nagkikita.
" Lumabas ako kanina at.." Huminto ito kaya kinuotan ko siya ng noo. Mukang may inaalala ito. "A-at nakita ako ni Kuya Ethan."