CHAPTER 71
ALEX POV
" Hayaan niyo muna siya. Gusto niya mapagisa so let him be." walang gana kong sambit.
Kasama ko si lance ngayon at nasabi nga niya saaken na hindi parin sila kinakausap ni Ethan simula nun nalaman niya ang katotohanan.
Wala naman ako magagawa kung galit siya. Buhay niya yun kaya hindi na ako makikialam pa.
Kasalanan namen alam ko yun. Kasalanan namen kung bakit galit siya sa mga kaibigan niya.
Pero nangyare na. Wala nakong magagawa pa. Ang magagawa ko lang ngayon ay humingi ng paumanhin sakanila dahil saamen nagaway away sila.
" Nagaalala ako rito Alex, Matalino si Ethan pero sa pagkakataon na ito hindi gagana ang isip niya, mangingibabaw sakanya ang nararamdaman niya kaya nagaalala ako sakanya na baka sugudin niya si Hero." napahinto ako sa ginagawa ko.
" Anong sabi mo?P-pwede bang pakiliwanag ang sinabi mo Lance." hindi ko maintindihan ang sinabi nito.
" Hays. Look Alex kapag emosyon ang nangibabaw kay Ethan, panigurado gagawa yun ng hindi maganda. Lalo na ngayon si Ghail ang dahilan."
Ibang klase din magalit si Ethan. Hayst. Problema nga ito.
" Hindi pwede mangyare yun, Mapapahamak si Ethan kapag ginawa niya yun! Napakadelikado ni Hero, pinatay nga niya si Ghail, si Ethan pa kaya." Singhal ko.
" Kaya nga dapat na naten siya mahanap para mapigilan siya sa maaari niyang gawin. "
Ethan David! Madami na nga kaming problema dumagdag kapa!
" Okay! Ako na bahala " kailangan kong protektahan si Ethan ngayon. Ayoko nang may masaktan pa ng dahil saamen.
Kasalanan namen to eh! Kasalanan koto eh!
Shet! Eros sana naman bumalik kana!
Fastforward...
" Ano nahanap niyo naba siya?" tanong ko sa mga squad na inutusan kong hanapin si Ethan.
" Hindi pa Dos, pero hindi tumitigil ang iba na hanapin siya."
" Aist. Oh sige balitaan niyo agad ako kapag nahanap niyo na siya. Wag kayo titigil hanggat hindi niyo nahahanap si Ethan, maliwanag ba!"
" Opo!"
Hindi pwede to. Asan kabang lupalop ng mundo pumunta Ethan David!
Napatingin ako kay Lance na hindi na mapakali . Kanina pa ito lakad ng lakad. Hayss.
" Mukang problemado ata kayo?" nabigla ako ng may magsalita mula sa likuran ko.
Shemay! Bwiset na Zeke nato! Aatakihin pako sa puso sa ginagawa niya! Hinarap ko ito .
" Wala kabang magawa sa buhay ah! Aatakihin ako sa puso ng dahil sayo eh!" singhal ko.
Nakangisi pa ang loko!
" Well masyado ka kasing worried kay Ethan eh, lalo na sa kaibigan niya. You like him right?"
" w-what? what are you saying ha!" nabigla ako sa sinabi nito.
" Dont deny it Ms.Fortalejo, halata naman na gusto mo si Lance Padilla eh."
Anong pinagsasabi ng lalakeng to? di pako nakakasagot ng nagmadali itong umalis.
Baliw ba siya. Ako may gusto kay Lance?
Nababaliw na nga siya. dumako ang tingin ko rito ng napasigaw ako sa gulat.