CHAPTER 80: REVELATION
" Hindi mo ba talaga siya kayang layuan?"
Napalingon ako sa nagsalita..
Nakatayo ito sa Gilid ng Gate ng Hideout..
Hinihintay ba ako nito?
" Ano bang sinasabi mo Jan."
" Wag ka magpretend na hindi mo alam ang sinasabi ko Ghail"
Seryosong seryoso ang isang to tsk.
" Bakit ba sinasabi mona naman yan ha?"
" Ghail, ano ba! Ilang beses kana napahamak ng dahil sa lalakeng yon!"
" Tsk. Wala akong pakialam sa taong yon. Syempre mangingialam ako kapag ang PxGang ang nasasa-"
Hindi natapos ang sasabihin ko nang sumingit ito..
" Gaano ba kahalaga sayo siya ha?" napakaseryoso nito ngayon. Maski ang mga mata niya nangungusap..
" Hindi ko kailangan sagutin yan tinatanong mo." para saan?Hindi rin naman importante.
Aalis na sana ako ng pigilan ako nito.
Laki ng problema niya huh.
" Zeke ano bang problema mo ha!"
" Sagutin mo ang tinatanong ko sayo."
Napakulit ng isang to ha.
Inalis ko ang pagkakahawak niya saaken..
" Tulad ng sinabi ko Fernandez,
Hindi ko kailangan sagutin yan tanong mo. So pwede ba tigilin mona ang pangungulit ha." nagpatuloy na ako sa pagpasok sa Hideout.Ang laki ng problema niya Tsk.
" Ghail mabuti andito kana." salubong saaken ni Kim.
" Bakit?May sasabihin kaba?"
" Oo. May nakuha kase akong informasyon about kay Hero Vasquez."
" Ano naman iyon?"
Iniharap nito saaken ang Laptop niya..
May pictures. Family pictures
" Family pictures yan ng Willson. And look may dalawang batang lalake jan oh. May kapatid ba si Hero?"
" Hindi ko alam."
Wala akong ideya sa pagkatao ng taong yon. Bukod tanging pangalan lang niya ang alam ko.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang pictures at magkamuka un dalawang bata..
Kambal ba sila?
" Sa tingin mo kapatid or kakambal yan ni Hero?Pagmasdan mong mabuti, Magkamuka sila."
" Siguro. Pero wala naman sinasabi si Zeke na may kakambal si Hero. Saka nasaan ito?" o hindi rin nito alam ang tungkol rito.
Damn!
Sino sila?
" Die Rose."
Natigilan ako ..
Ang boses nayon..
" A-at Rose." gulat na saad ni Kim sa pangalan ng taong nakangiti saamen..
" Kamusta kayo?Mukang may importante kayong pinaguusapan." Anito at tumitig saaken na tila ba may gusto siyang sabihin saaken.
Bat andito siya?Hindi man lang siya nagsabi na darating siya..