Chapter 38:"Guys tara na" aya saamen ni Yannie.
Excited masyado.
Anong oras pa lang naman.
Pero examination day namen ngayon.
Biruin mo 2 araw lang kami nagreview.
Binigla kami. Para daw next week puro practice na lang daw sa mga varsity player etc.
Tss. Unfair. But wala kaming magagawa. Final na ang desisyon.
" Asan na ba si Ghail?" Naiinip na tanong ni Mich.
Excited rin ang loka.
Di porker mga nagreview eh." Marunong maghintay Michelle Tan." Singhal ni Alex rito na nakaupo na sa driver seat.
Siya ang magdridriver ngayon. Kasi Kotse niya ang gagamitin namen haha.
" gha-"
" Andito na ako." Finally lumabas na din.
Sumakay na kami..
After a couple of minutes nakarating na kami sa campus.
Madami na rin mga estudyante. May mga hawak na reviewer at libro.
" gosh sana makapasok tayo sa Rank"
" oo nga wish we luck guys."
Dinig namen na usapan ng mga estudyanteng nadadaanan namen.
" Goodluck saatin" sabi ni Ghail.
" hay nako Ghail, we know naman na mapapasama ka sa rank eh." Sambit ni Yannie
Yeah. Iniexpect na namen na mapapasama siya sa Rank.
Matalino siya. Ang dali niyang naiintindihan ang mga tinuturo saamen.
Kahit pa basahin niya lang naiintindihan na niya agad.
" We can do it." Saad ni Alex.
Isa rin to. Matalino.
" Nagreview naman tayo, pero kinakabahan ako saka excited kase first time naten mageexam dito." Si Yannie
" Wala naman bago. Magsasagot lang tayo. That's it. Nothing special." Saad ni Alex
" Yeah. Ang pinagbago lang, ang skwelahan." Infairness talaga, nagtagal kami rito.
" Magfocus lang kayo, isipin niyo lang ang mga nireview niyo." Payo ni Ghail.
Paano kung wala na kaming matandaan Haha.
Just kidding.
Pumunta na agad kami sa room. Para marelax relax na ang aming isip.
Bawal na magreview kapag nasa loob kana ng room.
Nandito na rin ang limang boys.
Ang mga titig talaga nila, kala mo may ginawa kaming masama tss.
Hiwalay hiwalay ang mga bangko namen. 2 seats apart huhu.
Grabe talaga. Ayaw talaga nila may magkopyahan.
Hmm.
Dumating na rin naman si Professor na magbabantay saamen.
Syempre umayos na kami.
May sinabi pa ito, after that ibinigay na nito ang set A ng aming exam.
Damn. Nakakahilo.
" uy ano sagot?" Rinig kong bulong ni Joseph kay Martin na busy sa paper niya.