CHAPTER 85: The Last Chapter.
" Kamusta naman ang date niyo ni Ethan kagabi at madaling araw kana umuwi?" Panunukso ni Mich sa kagigising lang na si Ghail.
" Oh shut up Mich!" Nanggigil na saad nito.
Natawa sila Mich at Yannie sa inasal ng dalaga.
Madaling araw na kase itong umuwi galing sa Date nila ni Ethan.
Hinintay talaga nila ito para sana usisahin pero hindi yon ang nangyare.
Antok na antok na sila ng umuwi ito.
" Im just asking Ghail, so ano nga?nagenjoy kaba at late kana umuwi?" Ulit na tanong nito sa pinsan.
" Tigilan niyo ako ha. Hindi ako natutuwa" naiinis na ito sa paulit ulit na tanong ni Mich.
Dumiretsyo ito sa Garden ng bahay nila.
Lumabas naman galing sa kusina si Alex.
" Tigilan niyo nga si Ghail, kagigising lang eh. Inuumpisahan niyo na naman" suway nito sa dalawa.
" Nacucurious lang naman kami eh dahil first date ni Ghail yon." Tugon ni Yannie rito.
" Alam niyo naman siguro ang kasagutan sa mga tanong niyo. Syempre nagenjoy sila. Kaya tumigil na kayo."
" Opo" sabay na sagot ng dalawa.
" Pero ang tanong, sila na ba?" Sabi naman ni Kim.
" Well maybe, siguro naman sa tagal nilang magkasama. May nangyare na." Naniningkit na mga mata ang tumitig kay Mich. " Oh i mean, nagkaaminan na. Yun ang ibig kong sabihin. Kayo naman ang dudumi ng isip." Natatawang paliwanag niya.
" Bibig mo kase eh." Singhal ni Kim sakanya.
" Wag na muna tayo magconclude kung ano na status nila. Ang mahalaga nagkaroon sila ng time sa isa't isa." Seryosong sabi ni Alex.
" Yeah. Para naman hindi puro sa Gang ang inaaatupag ni Ghail. Kailangan niya din ng taong magpapasaya sakanya. At nakakasigurado akong si Ethan lang ang makakapagbigay non." Pagsangayon ni Yannie.
Hindi na kumibo pa ang tatlo.
Sumasangayon sila sa sinabi ni Yannie.
Masaya sila para sa kaibigan.
Hindi sila hahadlang kung saan ito liligaya.
Boto rin naman sila kay Ethan kahit na may hindi sila pagkakaunawaan noon.
After half hour.
Pinuntahan nila ang dalaga.
" Ghail, magkwento kana ha " pangungulit ni Mich
" Ano ba ikwekwento ko sainyo?"
" Kung ano nangyare sa date niyo?umamin ba siya sayo na gusto ka niya?" Walang paligoy ligoy na saad ni Kim.
" Bakit kailangan niyo pa malaman?" Masungit na tugon nito
" Abay syempre, para malaman namen. Kahit hindi mo naman sabihin alam namen may gusto sayo ang taong yon." Sabi ni Yannie
" Tss."
Napatingin si Alex sa leeg ng dalaga.
Napangisi siya ng makitang may pulang marka sa leeg nito.
Wala siyang balak sabihin iyon sa mga kaibigan dahil alam nito ang mangyayare.
Nakakasigurado naman siya na hindi nila napansin ang nasa leeg ni Ghail.