Chapter 57: Fiance / Hinala
KIM POV
" Mom, ano meron ?" Pansin ko kasing nagaayos sila at madami silang ihahanda ngayon.
Wala naman akong alam na may birthday saamen. Btw nasa bahay namen ako ngayon. For one week lang naman.
" Well Kimberly may bisita tayo mamaya. So better maghanap kana ng isusuot mo mamaya, make sure na magaayos ka" saad ni mom. Nagtaka naman ako na magaayos ako? Gaano ba kabigatin ang bisita namen?
" Kailangan ba Pormal ma? "
" oh yes anak, don't worry may pinabili na ako kay manang nang damit mo. So magmakeup ka anak ha kahit light lang." Naguguluhan na talaga ako sinasabi ni Mommy.
" Mom, sabibin mo nalang kung ano meron mamaya para magayos ako ng bongga?".
" Hija, malalaman mo din mamaya. So better go to your now. Magbeauty rest ka okay." Haysss. Napaka ewan ni mommy.
Iniwan kona lang siya. Bakit pa ako magaayos ng bongga kung dinner lang naman with their friends. Tsk.
Oo nga pala tatawagan kona lang sila Alex kung ano na balita doon.
Tinawaga kona ito at ilang minuto pa ay sinagot na niya.
" hellow Alex, kamusta kayo jan?"
" We're fine, how about you?"
" Oh well eto bored. Gusto kona umuwi jaan but sad to say hindi pa pwede baka magtampo sila mom." Imiss the
m so much.
" Haha, okay lang yan Kim." Talagang tinawanan pako ha.
" I hate you, btw asan un dalawa?"
" Nasa kwarto nila. Oh sige Kim ibaba kona muna ito ha. Tumatawag kasi sila mommy saaken. Tawagan nalang ulit kita mamaya"
" sige lang. Babye" ako na ang nagbaba. Hayss.
Sad hindi sila basta basta makakauwi sa pamilya nila.
Si Mich nasa korea ang parents nito. Then si Alex nasa America naman. And lastly si Ghail hindi sila okay ng parents niya kahit andito lang sa pilipinas.
Kaya narealize ko na ienjoy kona ang bawat araw at oras ko rito na kasama ang pamilya ko. Kase one week lang ako rito at babalik na ako sa manila.
Susulitin kona kasama ko sila Mommy at Daddy.
Fastforward..
" Mam Kim bumaba na daw po kayo andito napo un bisita niyo" saad ni manang
" Sige po , bababa na ako. " sagot kona lang rito.
Tumingin muna ako sa Salamin. Sinuot ko un binili ni manang saaken na dress, sky blue ito at bagay lang naman saaken. Then konting makeup lang ang inilagay ko sa muka ko.
Very very light lang Ganern.
Im ready.
Dahan dahan akong bumaba . Nakaflat lang naman na sandals ako pero nagiingat lang baka madulas ako tapos sakto pang makita nila. Nakakahiya kaya un pero nakababa naman ako ng matiwasay. Yehey !
Nagtungo na agad ako sa dining area namen at maingay na ang mga tao doon.
Hmm. Sino kaya un bisita nila dad?
Dahan dahan akong lumapit sakanila. nakita kona may kausap si Dad at mom. Kaedadan nila ito. Bussiness partner? Maybe
May isa pa silang kasama at nakatalikod ito na nakaupo kaya hindi ko siya makita. Hmm. Anak nila siguro.