Chapter 69
LANCE POV
" Nanggulo na naman si Hero sa RDG,"
" Na naman? Hindi ba talaga sila titigil sa panggugulo nila?" saad ni Jos
Expected na yan na naman ang topic namen, ang Rdg. Hanggang kailan ba nila gustong pagusapan ang tungkol doon.
" Wag niyo na asahan pang titigil si Hero sa panggugulo sa Rdg, ngayon pang wala na ang Leader nila" sagot ko nalang.
" Pero kita naman na kung sino ang panalo, wala nang magagawa pa ang Rdg sa Pxgang? Gumanti nga sila sa kaso kulang parin kasi wala ang leader nila." Aniya
" So bakit hindi pa sila sumuko kung wala naman na pala yun namumuno sakanila?" Nacurious ako sa sinabi ni Joseph.
Oo nga, bakit hindi pa sila sumuko ng matapos na ang lahat? Wala naman na din mangyayare kung lalaban pa sila at wala nadin ang leader nila.
" Kilala naman ng lahat ang RDg eh, hindi sila basta basta na Grupo lang, sila din ang Rank 1 so ang hirap bitiwan ang lahat" mahulugan na saad ni Martin.
" Kung Wala na nga Leader nila, kahit na sila pa ang Rank 1 kung wala na din ang pinuno matatalo at matatalo sila kahit anong gawin pa nila." Talagang nagpalitan pa ng opinion ang dalawang to.
" Pupunta lang ba kayo rito para pagusapan ang RDg at Pxgang nayan?" iritadong sambit ni Ethan.
As expected , cold guy na ang mokong nato.
Isang linggo na at ganyan na inuugali ng Lalakeng to.
Tumayo ako at inakbayan ito.
" Ang sungit mo naman Ethan, ayun nga maganda pagusapan eh hindi ba? Interesado karin naman sa RDg eh" Biro ko rito.
" Tsk. Noon un at hindi na ngayon so wala akong pake kung patay na ang leader nila o matalo pa sila ni Hero! Labas tayo sa gulo nayan so pwede ba tigilan niyo na ang usapin nayan!" Anito at nagwalkout.
" Hay nako ano bang nangyare doon at laging badmood ?" Takang tanong ni Jos.
Nagkibit balikat na lamang kami.
Sakto naman bumukas ang pinto at matamlay na Jv ang pumasok.Anyare naman dito? Mukang napupuyat siya hah. Saka malaking question mark ang nasa isip ko ngayon kung bakit siya doon natutulog sa bahay nila Yannie?
" Anyare naman sayo ?Natutulog kapa ba ha?" singhal rito ni Jos
" O-oo. Wag niyo nalang ako pansinin. Im ok" walang buhay na sambit nito at humiga sa mahabang sopa.
" Okay? Tignan mo nga sarili mo Jv, hindi kana ata pinapatulog ng mga yun hah! Ano bang ginagawa mo at doon kana natutulog?" Tanong naman rito ni Martin.
Wala itong nakuhang sagot mula rito. Mukang pagod ang mokong Hmm. Ano kaya pinaggagawa nila?
" Hayaan niyo na siya. Besides gf naman niya yun kasama niya doon" Saad ko
" Hindi lang naman si Yannie kasama niya doon eh, andoon din un apat lalo na si Ghail , kilala mo naman ang babaeng yun , amazona." singhal ni Jos na halatang naiinis.
Sandali.. Hindi kona nakikita si Ghail simula nun inuwi niya rito si Ethan. Isang linggo narin ang nakalipas simula nun makita ko siya.
parang may mali.
Hindi naman nagiisstay si Jv sa house nila kapag andoon si Ghail sa pagkakaalam ko lang kapag wala si Ghail , nagiisstay siya roon so its means wala si Ghail kaya doon siya natutulog?