ALEX POV
" Himala 4 days na tayo rito" biglang salita ni Yannie
" oo nga no. I Hope wala nang Gulo, kase gusto kona magaral ng maayos" sarkastikong sambit ni Kim
" as if naman na makakapag-aral tayo ng maayos rito ng walang gulong mangyayare noh." Maarteng saad ni Mich.
4 days? Hindi pa matagal yon..
" sabagay mga gago din kase ibang estudyante rito. Lalo na yun grupo ng mga lalakeng yon!" Sabay turo ni kim sa Limang lalakeng nasa bench.
Sila daw yun mga sikat sa campus na ito. Usap usapan kase sila palagi ng mga babae..
Hindi na nila kami ginulo pa. Mas mabuti nayon para hindi na kami lumipat pa.
" cute naman sila , ay hindi pala mga pogi sila " kinikilig na saad ni yannie.
" wag niyo na nga sila pagusapan nakakasira ng araw tch!" Inis na sabi ni Ghail
" Ghail appreciate their cuteness i mean handsomeness " sabat ni Yannie at umakbay pa rito.
Kaloka ang babaeng to. Iinisin pa lalo si Ghail.
" Wala ako pake sa mga mukha nila." Mataray na sagot nito.
" Oh siya pumasok na tayo sa room. Baka malate pa tayo" aya kona lang sakanila kaysa masira ang mga araw namen ..
FastForward..
Andito na kami sa Tapat ng Room namen pero may kakaiba akong nararamdaman sa Pintuan naTo.. bago pa kami makapasok ay pinigilan kami mi Ghail
"Hah bakit ghail?" Takang tanong ni Kim
" May kakaiba akong nararamdaman once na binuksan naten yan pintuan nayan. May mangyayare." Anito. So ramdam din pala niya yon
" Ramdam ko din yon." Sabat ko.
" So ano gagawin naten? Panigurado kasabwat nila ang nasa room." Ani ni Kim
" Ako bahala." Ani ni Ghail at pumwesto sa gilid ng Pintuan.
Pinalayo niya kami sa pintuan. Ano kaya gagawin nito.
Hanggang sa sinipa niya un pintuan at may nahulog na timba mula sa taas ng pinto.
Tumilapon ang laman nito. Mga pintura...
" Oh gosh!" Sigawan ng mga nasa loob.
" See. May nilagay silang timba na may pintura sa taas ng pinto Kapag pumasok tayo saaten matatapin." Saad ni ghail.
Nagbukas naman ang pinto at lumabas ang class president na masama yun tingin saamen.
" Ano bang problema niyo ha?Bat niyo sinipa ang pinto?" Naiinis na sambit nito
" ah so ganon. Kapag pumasok kami mabubuhusan kami ng pintura?Ano plano niyo ba to hah!" Singhal ko
" H-hoy hindi no." Ideny pa nito.
Lumapit naman si Ghail sakanya.
" Sa tingin niyo ba hindi namen napapansin na may plano kayo?Sino nagutos sainyo para gawin to hah!" Nakakakilabot boses nito ngayon.