SPECIAL CHAPTER 5

24 2 0
                                    

GHAIL AND ETHAN
SPECIAL CHAPTER.

Huminto ang kotse ni Ghail sa tapat ng gate ng bahay nila Ethan.

Hindi niya magawang pumasok sa loob. Hindi niya kaya.

Panigurado, galit ang pamilya nito sa nangyare kay Ethan.

Kasalanan niya kung bakit napahamak ang binata. Hindi siya nagisip ng mabuti.

Hindi niya inisip ang kalalabasan ng padalos dalos niyang desisyon.

No, Hindi ko kayang makita siya..

Mas lalo siyang naguguilty sa tuwing naaalala niya ang kalagayan ni Ethan.

Nabaril ito. Nabaril ang lalakeng minamahal niya dahil sakanya.

Pinigilan siya nito na huwag ng pumunta sa laban dahil mapapahamak siya. Pero hindi siya nagpapigil.

Nagtuloy paren siya at sinundan siya nito.

Si Ethan ang sumalo sa bala na dapat sakanya.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan ng mapansin niyang bumukas ang gate.

Napakahina niya pagdating sa binata.
Hindi siya ganito..

Mapapahamak lang ito kung mananatili siya sa tabi ng binata. At hindi niya na kakayanin na malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng binata.

Dumiretsyo siya sa Hideout nila.

Nakasandal si Zeke sa pintuan na tila inaabangan siya.

" Are you okay?" Zeke asked.

Hindi niya ito pinansin. Nagtuloy siya sa pagpasok.

Napahinto siya ng may pumigil sakanya.

" Ghail."

Si Zeke ang pumigil sakanya. May pagaalala sa mga mata nito na nakatitig sakanya.

" Bitiwan mo ako!" Malamig na sambit niya.

Hindi nakinig ang binata sakanya, bagkus hinila siya nito patungo sa rooftop.

" Fernandez!" Singhal niya sa binata.
At pinipilit niyang makawala.

Nakarating sila sa rooftop saka lang siya binitiwan nito.

" Ano bang nangyayare sayo Ghail?Isang linggo kana ganyan. Wala ka palagi sa sarili mo!"

" Mind your own business, Fernandez!" Wala siya mood para makipagbangayan rito.

Madami siyang iniisip. Gulong gulo na ang isip niya.

" Dahil ba to sa nangyare kay Ethan last week ha?Ghail, wala kang kasalanan sa nangyare. Choice ni Ethan na saluhin ang bala."

" Choice man niya o hindi, kasalanan ko paren yon!Kasalanan ko kung bakit muntikan na siyang mamatay. N-naiintindihan moba ako ha Zeke!"

Hindi nakakibo si Zeke. Alam niyang nasasaktan ang dalaga at sinisisi nito ang sarili.

At kahit anong paliwanag ang sabihin niya rito, sisisihin parin niya ang sarili.

Hinawakan niya ito sa balikat.

" Ghail, buhay siya. So please, huwag mo naman pahirapan ang sarili mo."

Inalis ni Ghail ang kamay ni Zeke sa balikat niya.

Walang kabuhay buhay na tumitig siya rito.

Walang lumabas na salita sa bibig ng dalaga. Hanggang sa umalis na ito at naiwan si Zeke.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon