Chapter 81: DEATH
" Anong binabalak mo?"
Natigilan ako ng may magsalita sa likuran ko.
Napaharap agad ako rito.
" Ethan!"
Anong ginagawa ng lalakeng to rito?Saka paano niya ako nakita?
" Gulat na gulat ka ha."
" Anong ginagawa mo dito hah!"
" Ikaw ang una kong tinanong, kaya ikaw muna ang sumagot." Aniya na lumapit na saaken.
" Wag mo nga ako ginagago!Bakit ka nandito!"
" Ikaw lang ba ang may karapatan pumunta sa lugar nato ha?"
" Ethan!" Kinuwelyuhan ko siya.
Naiinis na ako sa sinasagot niya saaken.
Hinawakan nito ang kamay ko upang alisin ang pagkakahawak ko sa damit niya.
" Delikado ang lugar nato, kaya umalis kana."
" Ikaw ang umalis rito, dahil ako handa ako sa pwedeng mangyare saaken rito." Saad ko.
" Alalahanin mo muntikan ka nang mamatay ng dahil sakanila." Anito na seryosong seryoso.
" Pero buhay ako ngayon. Kaya wag mo ako sermunan o pagbawalan sa gusto kong gawin."
Nasa Teritoryo kami ng PxGang.
Plano ko talagang pumunta dito at tapusin na si Hero.
Ewan ko lang sa taong to kung bakit siya naririto..
Naka tago naman kami kaya wala pang nakakaalam na nandito kami .
" Umalis kana dito. Hangga't wala pang nakakakita sayo rito." Seryosong sambit ko.
Aalis na sana ako ng may humawak sa kamay ko. Kaya napatingin ako sakanya.
" Hindi ako aalis kung hindi ka kasama." Ang mga titig niya.
" Ethan."
Bumibilis ang tibok ng puso ko..
Talagang ngayon mo pa to naramdaman ha!
" W-wag kang mag bait-baitan, hindi sayo bagay."
" Seryoso ako Ghail, alam ko ang binabalak mo kung bakit ka nandito. Gusto mong tapusin na si Hero ng ikaw lang."
Muka bang obvious ang binabalak ko at alam niya?
" So ano naman ngayon?Kaya ko siyang tapusin ng magisa. Dahil away namen dalawa to." Ayoko na madagdagan pa ang mga taong madadamay kapag nagsimula na siyang kumilos..
Ayoko na maulit ang Gang war sa pagitan ng dalawang Gang na kinabibilangan namen ..
" Hindi mo kakayanin kung ikaw lang magisa, madami siyang tauhan dito. Sa tingin moba mapapatay mo siya ng ikaw lang?Isang kahibangan ang binabalak mo Ghail."
