Chapter 54: Pangamba
Bakit kailangan nila idamay si Apple rito. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyare sakanila ni Ethan noon. At kailangan idamay ang kapatid niya.
Kagabi ko pa iniisip ang bagay na un. Hanggang ngayon hindi parin maialis saaken ang malaking question mark sa isip ko. Ano ba talaga koneksyon ni Ethan sa Hero na un? Alam ko naman na naging PxGang ito date, ang tanong bakit siya umalis?
Argh! Sa totoo lang hindi ko pa talaga kilala si Ethan. Kahit na ilang buwan kona siyang kilala, madami parin tanong sa isip ko about sa buhay niya.
At un lalakeng , Dont tell me siya si Hero Willson
Hindi ako pwede magkamali. Un tattoo niya.
Damn so noon palang alam na niya kung sino ako? Kaya sinusundan niya ako .!
Pero paano? Walang ibang nakakaalam ng identity ko maliban kay Jacob. Speaking of Jacob, sinusubaybayan parin naman ito at wala pa naman ginagawang kalokohan ang lalakeng iyon. So paano niya malalaman ang tungkol saamen kung hindi pa naman nila nahahanap si Jacob.
Hindi naman siguro ako tratraydurin nila Zeke.
Nawala ako sa iniisip ko ng may tumawag sa pangalan ko.
" Ghail " si Alex
" Bakit?"
" Si Ethan andito. Gusto kadaw makausap" .
Si Ethan. Gusto niya ako makausap?
Bumaba na agad ako at nakita kona siya.
Alam ko ang pinunta niya rito.
Nakalapit na ako rito pero still hindi parin niya ako napapansin kaya tinawag ko na ito." Ethan" napatingin naman na ito saaken. Seryoso talaga ito. Nagulat nalang ako ng hilahin niya ako palabas ng bahay.
" Ethan! Bitiwan monga ako" singhal ko rito at pinipilit kong bawiin un kamay ko na hawak niya pero ang higpit ng pagkakahawak niya.
Nakalabas na kami hanggang sa gate at tumigil nalang ito ng nasa tapat na kami ng kotse nito.
" Sakay" What?
" Hindi ako sasakay! Bitiwan mona ako Ethan!" Pagmamatigas ko rito pero hinila na naman niya ako at binuksan ang pintuan ng driver seat at itinulak ako nito papasok. Damn!
" Ano ba Ethan!" Singhal ko ulit rito pero hindi niya ako pinansin kaya tuluyan na akong nakapasok sa loob.
Pumunta ako sa passenger seat ng magsalita ito.
" Wag mo nang balakin buksan pa yan kung ayaw mong itali nalang kita rito!" As if icare if galit siya. Bubuksan kona ito ng bigla na lamang umandar ang kotse ng sobrang bilis , muntikan nako masubsub ng may humila saaken.
" Tsk! Magseat belt kanga !"damn ! Ano bang problema nang lalakeng to at namimilit siya!
Hindi ako nakinig dito. Hindi ako nagseat belt , hinayaan kona lang siya na magdrive . Ano pabang magagawa ko diba? Wala na . Pag nagpumilit pa ako baka aksidente na abutin namen.
Natigilan naman ako ng bumagal ang takbo nito at nagulat nalang ako ng lumapit siya saaken
DUG DUG DUG
Damn. Eto na naman un puso ko ang bilis bilis na naman ng tibok. Nakakainis.
ikinabit nito ang seatbelt.
" Hindi mo ako madadaan sa ganyan Ghail !" Saad pa nito. Tsk. The hell I care !
Hindi ko alam kung nasaan na kami , ayoko rin magtanong dahil naiinis ako rito sa sapilitan na ginawa niya saaken. Basta ang alam ko kanina pa siya nagdridrive.