CHAPTER 56

154 8 0
                                    

Chapter 56: SAVE HIM

" Ano balak mo saaken ha sinabi ko naman na un nalalaman ko. So bakit hindi mopa ako pakawalan !" Singhal saaken ni Zeke.

" I don't trust you Mr.Fernandez,"

" Wow ha. Wala din ako tiwala sayo! Pinagaral mo kapatid ko para ano? Gamitin ? Anong balak mo saamen ha!" Anong klaseng pagiisip ang meron ang taong to?

" Hindi ko ginagamit si Tyler! Pinagaral ko siya dahil un ang gusto niya! Hindi mo ko katulad Zeke na ipinagkait sakanya un masayang buhay!"

" Tsk. Wala kang alam sa buhay namen, para husgahan ako !" Totoo naman un sinabi niya, pero hindi ako mananahimik na lang.

" Yeah , your right, pero hindi ko hahayaan na masira lalo ang buhay niya. Kaya kung ako sayo itama mona lahat ng pagkakamali mo. Magbago ka para sa kapatid mo!"

" Itama ang pagkakamali ko? Huwag ka ngang magpatawa! Lahat ng tao nagkakamali  hindi lang ako. Pati ikaw!" Hindi ko idedeny yon.

" Okay. Kung ayaw mo magbago para sa kapatid mo. Hindi kita pipilitin, pero sana naman maging kuya ka sakanya." Lumabas na ako.

Ang kitid talaga ng pagunawa niya. Iresponsable!

" Nagaway na naman kayo ni Kuya?" Si Tyler nakasandal ito sa pader sa sulok..

" Ano panga ba? " sagot ko

" Kailan mo ba siya balak pakawalan? Nasagot naman na ni kuya ang lahat ng katangunan mo Ate Ghail".

" Wala akong tiwala sa kapatid mo Tyler. Oo nga nasagot na niya pero hindi ko parin nakikilala ang Hero Willson nayan. "

Iniwan ko na siya.

" Uno, nakahanap na kami ng pinagtataguan ng PxGang" nabuhayan naman ako sa sinabi ni Eros .

" Really? Saan?"

" Pero Uno, hindi doon nakahideout si Hero Willson. Tanging mga squad lang nito ang nandoon. Karamihan sakanila ay un nasa BTGang. Napagalaman din namen na nakikipag tulungan ang RWGang sakanila." That Red Warrior Gang, talagang kinakalaban nila kami huh.

" Eros maghanda ka, papuntahin mo ang ibang squad doon at siguraduhin mong mahuhuli niyo ang mga tauhan nito. Lalo na ang Leader ng RWGang." Seryoso kong utos rito.

Hindi ko papayagan na magkampihan sila! Alam ko na kasi na gagamitin nila ang RWGang para kalabanin kami.

" Ghail, " napatingin naman ako kay Mich .

" Bakit?"

" Paano kung kilala na tayo ni Hero? Idamay niya ang pamilya naten? " natahimik naman ako sa sinabi nito.

" No. It won't be Happen. Hindi ako papayag na idamay niya ang pamilya naten Mich. Walang madadamay na inosenteng tao sa gulong ito. Wala!". Hindi ko hahayaan na masaktan ni sino man sa pamilya namen.

Hinding hindi!

ETHAN POV

" Ano ba kasi ginawa niyo ni Ghail doon sa tagaytay ha? Tapos umuwi ka rito na badtrip?" Singhal ulit saaken ni Martin.

Tsk. Paulit ulit nalang siya sa Pagtatanong

Nababadtrip lang ako kapag inaalala ko pa ang nangyare!

Umuwi siya nang hindi man lang nagpaalam saaken!

Damn !

" man, Magkwento kana kasi" isa patong Jv nato eh.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon