CHAPTER 42: CONFESSIONYANNIE POV
" Hi Yannie " Napaangat ako ng tingin at si Jv lang pala un nginitian ko ito.
" Hi " bati ko din dito
" magisa ka ata?" Saad nito at umupo sa tabi ko.
" Oo eh , may kanya kanyang gala un mga kaibigan ko " sagot ko rito
Nasa room lang ako. Wala sila.
Mga busy HAHA.Tinatamad naman ako sumama kay Kim na nasa Library at for sure andun na naman si Martin
Si Alex naman is nagprapractice with Lance.
Magkasama yun magpinsan.
So lonely talaga ako.
" eh ikaw asan mga kasama mo?" Tanong ko naman dito
" Hay nako andun lumalovelife sila ngayon. Ayoko naman sumama dahil may nagugustuhan na ako." natigilan ako sinabi nito
May nagugustuhan na siya?
Aray. Ang sakit naman marinig un sakanya." a-ah ganun ba." Pilit kong pinasigla un boses ko para hindi niya mahalata na nasaktan ako
" Yes. I really Like her ." Halata naman na gusto mo siya eh.
Hayss. Siguro Tama nga kalimutan kona lang siya para hindi nako masaktan pa Lalo.
Lalayuan kona siya para sa ikakabuti ng puso ko..
Siguro nga niloloko lang ako nila Mich na may gusto siya saakin.
Tama ako Friendly lang siya at hindi ko dapat binigyan ng meaning un mga ginagawa niya saakin. Lalo na umasa sa sinabi saakin nila mich.
Damn! Ngayon lang ako nakaramdam nitong sakit nato!
" Yannie pwede moba akong tulungan? "
" Tulungan? P-para kanino?"
" Magtatapat kasi ako sakanya. Gusto ko un moment na hindi niya makakalimutan un araw na nagtapat ako ng pag-ibig sakanya. Eh wala pa akong nagiging gf kaya hindi ko pa alam kung ano ang gusto ng mga babae eh" paliwanag nito na ang saya saya
Parehas pala kami wala pang karanasan sa Ganito.
" ayos lang ba?" Tanong na naman nito
Hayss. Tinitigan ko naman siya kung hindi niya talaga alam na gusto ko siya? Pero Ngumiti lang ito saakin na para bang wala lang sakanya un tingin ko. Hindi ba niya nakikita na nasasaktan ako?
Hayss. Ano panga ba aasahan mo sakanya Yannie may gusto siyang iba. Kaya Wala siyang pake sa nararamdaman mo.
" Yannie"
" Sige i will help you " sagot ko rito. Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
Damn! Eto na nga ba ang ayaw kong maramdaman sa tuwing niyayakap niya ako. Mas lalo akong nahuhulog sakanya.
" Sige mamaya punta tayo mall. Salamat Talaga Yannie." Ningitian kona lang siya kahit hindi ko kayang maging masaya.
Ang selfish ko siguro kapag hindi ako naging masaya para sakanila.
Kaibigan ko siya pero hindi ko kayang maging masaya..
Dahil Narin Gusto ko siya.
Nasasaktan ako. Para bang binibiyak ang puso ko