SPECIAL CHAPTER 4

22 2 0
                                    

YANNIE AND JAYVEE SPECIAL CHAPTER..

Masayang ibinalita ni Yannie sa lahat na buntis siya.

Sobrang saya niya ng malaman na magkakaanak na siya at mas dumoble ang saya niya ng makita ang reaksyon ni Jv.

Isang taon palang silang naikakasal.
Pangarap niya lang na maikasal kay Jv, ngayon magkakaanak na silang dalawa.

" Im sure babae yan." Ani Mich.

" No, lalake. Malakas ang kutob kong lalake yan." Saad naman ni Joseph.

" Hindi!Babae." Singhal ulit ni Mich.

Natatawa nalang siya dahil nagbabangayan na naman ang dalawa.

Pinagaawayan nila kung anong magiging gender ng baby niya.

" Mga baliw ang dalawang to. Hoy isang buwan palang ang tyan ni Yannie, excited kayong masyado." Singhal ni Kim sa dalawa.

" Masama ba?Hmm, don't worry Yannie kapag babae yan ako bibili ng mga gamit niya, syempre ako ang pipili. Diba masaya yon." Masayang sambit ni Mich.

Napapailing na lamang siya sa kabaliwan nito.

Hindi pa halata ang tyan niya kase isang buwan palang naman.

Pero excited na rin siya na malaman kung anong gender ng magiging anak nila.

Napatingin siya sa harapan niya ng may humawak sa tyan niya.

Ang asawa niya.

" Hey there, baby. Excited na sila Tito Jos at Tita Mich mo. Well im excited too." Nakangiting saad ni Jv.

" Excited na rin si Mommy, baby." Wika rin niya.

Nagkatitigan naman sila. At sabay na ngumiti.

Umupo na sa tabi niya ang asawa at hinawakan siya sa kamay.

" Pinasaya mo ako ng sobra," Bulong ni Jv.

" I know. Masaya rin naman ako ng sobra eh. Magiging parents na tayo." Naiimagine palang niya. Naeexcite na siya.

" Magiging mabuti tayong magulang . pinapangako ko rin na gagawin ko ang lahat, maibigay ko lang ang lahat ng pangangailangan niyo."

Gusto niyang umiyak, pero makakasama iyon sa baby nila. Kaya pinipigila niyang maging emosyonal.

Hindi naman siya iiyak dahil nasasaktan siya kundi masaya siya.

Napakaswerte niya dahil si Jv ang napangasawa niya.

" Hindi mo naman kailangan ibigay ang lahat eh, sapat na saamen na makasama ka namen palagi. Na buo tayong pamilya. Wala na akong ibang mahihiling kundi ang makasama kayo habang buhay."

Niyakap siya ng asawa. Mabuti na lamang dalawa nalang silang nasa sala.

Mukang, sinadya ng mga kaibigan nilang iwan silang dalawa para makapagusap.

" Ikaw ang first boyfriend ko, first sa lahat Jv. At nagpapasalamat ako sa diyos dahil ibinigay ka niya saaken. Natupad ko ang mga pangarap ko na kasama ka." sobrang swerte niya dahil isang lalake lang ang minahal at makakasama niya hanggang sa pagtanda.

" Im so lucky to have you too. Parehas lang naman tayo eh, bubuo tayo ng pamilya na magkasama. Pangako, walang makakapagpahiwalay saaten dalawa. I love you Mrs. Alyannie Black-Jung"

Napangiti siya. At mas hinigpitan pa ang yakap. " I love you more, My husband."

Akala nila okay na ang lahat.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon