CHAPTER 37

240 5 0
                                    


GHAIL POV

" Bakit mo naman ginawa yun Ghail?" Singhal ni Kim saaken habang binabalutan ng benda ang dalawa kong kamay.


" Wala na akong choice kundi gawin yon." Wala lang naman saakin to.

Sanay ako masugatan.


" Pinagalala mo kami, girl hindi biro ang pagbali mo sa kutsilyo. Kailan mo pa natutunan yon ha?" Singhal ni Yannie

" Yannie, bihasa ako sa paggamit ng mga knife, dagger. Kaya hindi ko na kailangan pagtutunan yon." Ngayon ko lang nagawa na bumali ng kutsilyo.


Siguro dahil sa matinding galit ko. Nabali ko ang kutsilyo ng hindi ko sinasadya.

" Hays. Ghail huwag mona uulitin yon ha. Wag na wag na." Si Mich, nagaalala pa.

" Ano ba kayo, hindi ko ikamamatay ang pagsalag ko ng kutsilyo at pagbali ko. Look, im fine. Dont worry guys." Nagpapanic sila eh. Parang hindi sila sanay.

Mas grabe pa nga nangyare saaken noon nakikipaglaban ako sa mga gangster.

Hindi naman malala nangyare sa kamay ko.

Nagkaroon lang naman ng hiwa ang isa kong palad. Ang isa naman maliit lang.

Medyo masakit nga lang. Pero kaya ko naman.

Hindi ako mahinang tao na iiyak dahil lang sa sugat nato.


" Ano ba atraso mo sa mga lalakeng nakalaban naten?Saka sinong boyfriend sinasabi nila?" Damn! Naalala pa talaga ni Alex ang sinabi ng gagong yon.

" Oo nga. Magsabi kanga saamen Ghail, ano nangyare sayo nun suspended ka?" Sumunod pa na nagtanong si Kim.

Damn damn!

" Sila ang may atraso saamen."

" Saamen?Sino ang isa?"

Sasabihin ko ba na si Ethan ang kasama ko sa mga nagdaang araw?Argh. Pero ang unfair naman kung hindi ko sasabihin sakanila ang totoo.

" Si Ethan."

" W-what?Si Ethan?"

" Magkasama kayo ni Ethan?saka siya ba ang sinasabi nun lalake na boyfriend mo? Sunod sunod na ang pagtatanong nila.

Napasubo na ako. Wala na akong takas.

" Icocorrect ko lang, hindi ko siya boyfriend. Inakala lang nila na boyfriend ko siya." Pagtatama ko. " Sila ang nauna. Naalala niyo pinatawag ako ni Dean. Yun ang unang araw na naencounter namen sila. Pangalawa yun naabutan ko sila Jv sa bahay. Galing kami ng hospital dahil sa ulo siya pinalo." Mahabang paliwanag ko.

" Kaya ba isang oras ka nawala nun pinatawag ka ni Dean?" Yannie asked.

" Yeah." Mga kaibigan ko sila kaya ayokong naglilihim.

" Wala kaming kaalam alam na nakikipagaway kana sa mga tambay, tapos si Ethan pa kasama mo." May halong panunukso ang sinabi ni Mich.

" Mich, linisin mo ang isip mo ha." Tss. Iniisip ba nila na nagiging malapit na ako sa pakialamerong lalakeng yon!

Never. Saka akala nila siguro hindi ko nahahalata ang mga kinikilos nila.

Tss.

Nakisali pa sila kanina.

Anyway. Hinuli ng pulis ang mga lalakeng yon.

Akalain mo, wanted pala sila sa panggugulo.

Mabuti na rin yon. Para hindi na maulit to.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon