CHAPTER 63:
Nasa Harap na ako ng bahay pero nakaupo parin ako sa kotse.. nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi?
Malay naten nasa loob pala un magaling kong ama na nagpanggap na may sakit tsk.
Subalit Binuksan ni Mr.Lee ang pintuan ng kotse kaya wala na akong choice kundi lumabas.
Pagkalabas ko palang ay bumukas na ang pintuan ng bahay at sinalubong ako ni mommy na may ngiti sa labi.
" Princess, im glad to see you again" aniya at niyakap ako ng sobrang higpit.
I hug her back.
" Buti at sumama ka kay Mr.Lee akala ko hindi ka sumama eh" may pagtatampo sa boses nito..childish tss.
" Ma, bakit niyo poba ako pinasundo?ano naman ba meron?" Diretsyong tanong ko rito. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Ayoko magstay ng matagal rito.
" Pumasok muna tayo sa loob Anak ng makakain ka"
" No. Im stay here Mom. So please sabihin mo na kung ano ang paguusapan naten.".
Kita kong nagiba ang facial expression niya na kanina ay masaya , ngayon naman ay naging malungkot na.
Naoffend ko siya i know, pero tulad ng sinabi ko ayokong magstay ng matagal rito dahil naaalala ko lahat ng masasamang pangyayare sa buhay ko nun andito pako.
" Malapit na kasi ang birthday mo Princess kaya gusto lang kita batiin ng maaga dahil wala kami ng daddy mo sa araw ng birthday mo kaya gusto ko sana ngayon na magcelebrate ng ika 23 birthday mo. Imagine Princess 7 years nang hindi ka namen nakakasama sa birthday mo , kaya gusto ko sana ngayon, makasama ka namen. Pwede naman un hindi ba anak?" I forgot. Malapit na pala ang birthday ko. Pero ayoko din naman magparty.
" Ma ayokong magparty or maghanda ng madami." Ihate that.
" Ano kaba naman Princess, nun debut mo hindi na nga tayo masyadong naghanda ng bongga tapos ngayon gusto mo hindi kana magcelebrate pa?hindi ako papayag doon."
" Mom im not teen anymore, im turning 23 , and you know i hate party. Pumayag lang ako na magparty kayo nun 18 ako pero ngayon, hindi na Mom. Please Don't watse your time and your money for me." Pagmamatigas ko.
Ayoko naman saktan si mommy pero ayoko lang talaga na gumastos pa sila, saka ayoko din na icinecelebrate ang birthday ko dahil wala din naman magandang nangyayare eh.
" Okay sige anak, hindi kita pipilitin pero wag mong tatanggihan ang mga regalo ko sayo" tss. Sabi kona nga ba eh. Kung hindi handa or party, regalo ibibigay nito at hindi ako makakahindi pa.
" Okay" tanging sagot ko
" Pero pumasok kana muna, wala ang daddy mo rito kaya pwede ka magtagal rito." Aniya
Sasagot pa sana ako ng magvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
Pangalan lang naman ni Tita Erich ang lumabas.
Tita Erich : Hija pwede bang paki tignan si Ethan sa bahay, hindi ko kasi siya macontact kaya nagaalala na ako sobra sakanya.
Seriously?ako pupunta sa bahay nila Ethan?
" What's wrong hija? Pumasok na tayo sa loob " natauhan ako ng magsalita si mommy.
Damn ! Pupunta bako o hindi?
Pero kase.. naman oh !" Aalis lang po ako." Paalam ko at tumakbo na ako palabas ng bahay. Rinig ko pa ang pagtawag saaken ni mommy pero nagtuloy tuloy lamang ako sa pagtakbo ko.