KIM POV.
LIBRARY
Busy ako sa pagbabasa ng may nagsalita..
" Ms pwede patabi?"
Hindi ko na tinignan pa kung sino ito.
" Hindi pwede." Nagpatuloy parin ako sa pagbabasa.
Ayoko kase naiistorbo eh.
Rinig ko naman na naglakad na siya paalis.
Kaya nga andito ako para magbasa . At ayoko may katabi.
Damot koba? Ayoko lang kase nun..
2 hours naman free time namen eh so magbabasa nalang ako ng book kaysa makipagusap kila Alex.
Naramdaman kona lang may lumapit na naman saaken. Argh!
" Hi Ms.Book lovers"
Kilala ko ang boses nayan.
Kaya mas lalo kong hindi pinansin ito.
" hey" sambit na naman niya at bigla nalang hinablot nito ang hawak kong libro.
" Shit!" Mahinang mura ko. Nagangat ako ng tingin at masama itong tinitigan " Anong problema mo ha? Amina nga yan Libro ko!"
Inilayo pa niya. Bwiset!
" Oopps! Sandali lang naman Kimberly."
" Wag mo nga ako tawagin sa buong pangalan ko! Hindi tayo close." Mahina parin ang pagkakasabi ko nun. Library to kaya ayoko naman makaistorbo ng iba.
" Eh ano gusto mong itawag ko sayo?Babe?" Nangaasar ba ang lalakeng to?
Hinablot ko agad ang libro.
" Akin to. Kumuha ka ng sayo!" Singhal ko rito at umupo na ulit.
Ramdam kong umupo ito sa harapan ko.
Pinandilatan ko siya ng mata. " Get out! Wala akong sinabing umupo kajan. Kaya alis!" Pagtataboy ko.
Mayabang na nga. Ang kapal pa ng muka. Saan kapa!
" Library to. Saka wala naman sinabing bawal umupo sa table nato. Kaya hindi mo ako pwedeng paalisin." Nainis ako ng ngumiti pa ito.
Oo nainis ako. Kase para saaken nangiinsulto ang ngiti niya!
" Nainlove kana no?"
Pinagsasabi nito?
Kung sakyan ko kaya to.
Nice Idea..
Binaba ko na muna ang libro.
Hinawakan ko siya sa Ulo at pinalapit sa muka ko.
Nagulat siya sa ginawa ko.
" Alam mo Martin, hindi ko akalain na ang gwapo mo pala." Kadirii..
" Mabuti narealize mo yon. Gwapo naman talaga ako eh. So gusto mo nako niyan?" Ngumiti pa ito at proud na proud.
Ang Hangin..
" Oo gusto." Ngumiti ako kunwari." Gustong gusto na kita sapakin!Bwiset ka!" Inilayo ko agad ang muka ko rito.
" What?gusto mo akong sapakin?"
" Oo ! Isa pang guluhin mo ako! Matitikman mona tong kamao ko! Tandaan mo yan Martin Sy!Bwiset!" Kinuha kona ang gamit ko at umalis na.
Panira ng araw !