Chapter 40:
" Uno nakakuha na ako ng inpormasyon sa lalakeng idinala niyo rito." Saad ni Eros.
" Talaga."
Iniabot nito ang isang envelop.
Now,makikilala na kita.
Ezekiel Fernandez..
23 years old. Sa America siya nakatira.Pilipino ang tatay nito at americana ang nanay niya.
Binuklat ko pa ang iba pang files niya at mayaman siya ang pamilya nito.
May picture pang kasama.
Wait. Bakit kasama niya ang dalawang to?
Si Jacob at si Ethan. Magkakilala silang tatlo?
" Eros saan to kuha?" Curious kong tanong rito at ipinakita ang picture ng tatlo.
" Nagtapos siya ng Highschool kuha ang picture na yan Uno, mukang magkakilala sila ni Jacob at ng lalakeng to." Aniya.
Magkakaibigan silang tatlo.
Kaya pala magkakilala si Ethan at Jacob. Pero bakit magkagalit na sila ngayon?Tsk. Walang pagpapahalaga sa pagkakaibigan.
" naging parte ba siya ng isang grupo?"
" Oo, parte siya sa grupo ng Phoenix Gang."
" Phoenix Gang?" Ang grupong yon.
"Hindi ba yan din ang pinapahanap niyo saaken na grupo?" Tumango ako.
Sila ang tinutukoy kong PxGang.
Ang grupo na gusto siyang patayin at ang grupo na sumali sa Gang Battle.
Kagrupo niya ang mga ito pero bakit binalak siyang patayin?
Anong naging kasalanan niya?Damn! Sino kaba talaga Ezekiel?
At sino kaba talaga Ethan David?
Si Jacob. Sakanya ko malalaman ang kasagutan sa lahat ng tanong sa isip ko.
" Nahanap niyo naba siya?" Seryoso kong saad.
Nakatakas ito. Bwiset!
Kaya pala nakatakas siya ng walang kahirap hirap dahil isa siyang Gangster tss.
" Hindi pa Uno, masyado siyang mailap. " sagot nito
Damn. Kung kailan may alam na ako sakanya. Hindi pa siya mahanap hanap.
" Wag kayong titigil sa paghahanap sakanya Eros. Kailangan niyo siyang mahanap at ibalik rito. " Dahil may gusto akong malaman tungkol sa PxGang.
Isa pa, nanganganib pa rin buhay niya. Panigurado pinagtataguan niya rin ang mga ito.
Imposibleng hindi siya hanapin ng pinuno nila. Lalo na kung may ginawa siyang kasalanan.
Hayss! Kung hindi nila mahahanap to ako na maghahanap sakanya at kahit saan ka pang lupalop magpunta Mr.Fernandez i will make sure babalik ka rito at sasagutin mo ang mga tanong ko Tungkol sa PxGang nayan.!
MICHELLE POV
" asan na kaya un babaeng un?" Singhal ni Alex na kanina pa nakatayo sa pintuan namen.
Well hinihintay lang naman namen si Ghail dahil wala parin ito simula nun umalis siya sa school at iniwan kami.
Well nagtaxi lang naman kami dahil ginamit niya ang kotse Tss!