Chapter 60: Our First Date
" Anong ginagawa mo dito?" Singhal ko sa taong nakasandal sa may gilid ng pintuan namen.
" Well pinapasundo ka saaken ni mom, ang sabi maglibot daw tayong dalawa. So wala naman ako choice Kim kundi sundin si mommy eh" iritadong saad nito.
" Oh edi sana nagdahilan ka , ang hina mo talaga "
" Hoy babae, hindi mo kilala si mommy , hindi ko mauutakan un. " tss. Wala din to eh.
" Oh Hijo buti nandito kana " napalingon naman kami parehas kay mommy.
Umayos naman ito . Tss andito lang si mommy eh ..
" ah opo Tita, sinusundo kona po si kim. " ang plastik talaga ng mokong na to pasweet voice pa eh.
" Kim sumama kana kay martin, diba i told you may susundo sayo " ani ni mommy saaken.
Hay nako, aba malay kobang si Martin pala susundo saaken.
" Oh siya, ma kukuhanin ko lang po un bag ko. Excuse me po" nagmadali naman akong nagtungo sa kwarto ko.
Malas na naman oh.
Nagbabyahe na kami, ewan koba kung saan ako idadala ni Martin, basta nanahimik lang ako habang siya ay nagdridrive.
Ayoko nga kausapin to, kagigil eh.
Hanggang sa nagsalita na siya." Hindi pa rin nagsisinkh-in sa utak ko na Fiances kita, i didnt expect na may fiance na ako at ikaw pa talaga huh " naasar naman ako sinabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi ito nakatingin .. bwiset eh.
" Maski ako , hindi ko tanggap na ikaw un fiance ko ! Wag kang feeling jan martin Sy na gusto ko to. Parehas lang tayong nagulat! " singhal ko,
kainis eh para bang sinisisi niya saaken na naging magfiance kame eh ang parents namen nagdecision nito. Tss.
Nanahimik naman na ito .kaya inilabas kona lang ang phone ko, kaysa naman mabulok ang laway ko rito , ichachat kona lang sila Ghail.
Nagulat nalang ako ng may mangagaw saaken.
" What the ! Ano ba martin ibalik monga yan phone ko, " singhal ko rito , agawin ba naman ang Cp ko!
" No, ang sabi ni mommy no phone allowed, iniwan ko phone ko so dapat hindi ka gagamit ng Phone. Para Fair " anong pinagsasabi ng ng lalakeng to?
Aagawin ko sana ito ng marealize kong nagdridrive pala ito. Kaya napahinto ako .
" Tss, ibalik mo saaken yan mamaya! " ngumisi naman ito at ibinulsa ang phone ko .
kung hindi lang siya nagdridrive kanina ko pa to sinapak. Kainis eh.. argh !Hindi ko naiimagine na magiging asawa ko ang lalakeng to? Hindi kona alam pwede kong gawin sakanya dahil sa pangbwibwiset niya saaken.!
Kalma Kim, hindi ka pwedeng mastress ngayon okay.
Binalik kona lang tingin ko sa may bintana.. mabibwiset lang ako eh .
Ilang minuto pa ang lumipas ay huminto na ang kotse nito.
" andito na tayo so bumaba kana " aniya at nauna nang lumabas saaken.
Wow. Napaka gentleman naman niya tss. Kainis Talaga !
Lumabas nadin ako .
Nasa harap lang naman kami ng Restaurant.Ano to date ? Asa pa Kim.
" Tara na sa loob, " aniya at hinila nalang ako bigla.