Chapter 59: Kaibigan
Aray! Shet! Napahiga agad ako sa higaan ko ng makaramdam ako ng kirot sa ulo ko.
Shet ! Ang sakit ng ulo ko huh. Unti unti kong inangat ang katawan ko at sumandal sa headboard ng kama ko.
Sino nagdala saaken rito ? Sa pagkakaalala ko sa sofa ako nakatulog. Argh !
Don't tell me sila Ghail. Gosh !
Napahawak nalang ako sa ulo ko ng kumirot ulit ito.Natigilan naman ako ng Bumukas ang pinto ko at pumasok si Yannie na may dala dala.
Kailan pa siya nakauwi ?
" buti gising kana " aniya at umupo sa kama ko.
Napatingin naman ako sa hawak nito at tubig na malamig ito.
" Oh inumin mo pampawala ng hangover mo. " aniya at inabot saaken ang gamot na dala niya.
"K-kailan kapa umuwi ?" Kinuha ko naman na un gamot at agad na ininom ito .
" kagabi lang, actually naabutan nga kita na nakahiga sa sofa eh. " hayss naalala kona naman un paginom ko .
" N-namiss ko lang uminom kaya nasobrahan ako kagabi. Hindi na mauulit p-"
" Kahit ano pang sabihin mo o ipalusot mo saamen Alex, alam namen un totoo. " nanahimik ako sa sinabi nito.
Napangiti nalang ako , ayoko magaalala pa sila saaken. Alam ko naman na un eh.
" Im okay. Don't worry kaya ko to. Hindi ko lang talaga inaasahan. "
Hinawakan naman niya ang kamay ko at tinitigan ako ng seryoso. Ngayon kona lang nakitang ganito si Yannie, kaya ang hirap magdeny ng totoo kong nararamdaman kapag ganito siya.
Kaya kinagat ko ang ilalim ng labi ko para pigilan na maluha.
Ayokong maging emosyonal.
" Andito kami para sayo Alex kaya wag mo solohin yan sakit na nararamdaman mo. Para saan pa na naging kaibigan mo kami hindi ba? Kaya wala kang maitatago saamen kahit pigilan mopa yan nararamdaman mo ngayon alam kong gusto mong umiyak." Tama siya, wala talaga akong maitatago sakanila.
" Gusto ko magshopping. " salitang lumabas sa bibig ko.
Alam ko walang connect sa sinabi niya pero gusto ko lang magpakasaya.
Gusto ko lang kalimutan ang lahat.. at magagawa ko lang un kapag kasama ko silang maglibot. Magsaya.
LANCE POV
" Nawala ka bigla kagabi Pre?" Bungad ni Jos saaken ng pumasok ito sa condo ko.
Iniwan ko sila sa bar kagabi dahil hinatid ko si Alex sakanila, naalala kopa un kagabing nangyare sakanya .
Umiiyak ito habang umiinom at lasing na lasing na , hindi ko nga alam na pumupunta siya sa bar eh at umiinom ng ganoon karami. Pero ramdam kong may bigat na problema siyang dala dala.
" sorry si Alex , nakita ko siya kagabi na lasing na lasing kaya hinatid ko muna. " paliwanag ko rito.
Nagaya kasi si Joseph na uminom, ewan koba dito at problemado din .
" anyare naman doon? Nagbabar pala un. " parehas lang kaming nagulat . Umiinom siya oo pero un magpunta sa bar para uminom ng ganun karami ay nakakapagtaka .
" Hindi ko alam pero.. pakiramdam ko may problema siya."
" ano naman un ?" Nagkibit balikat na ako bilang sagot. Hindi ko naman kasi alam problema ni Alex eh.