CHAPTER 73

89 5 0
                                    

CHAPTER 73: Pagsuko

Kim Pov

" Ano sabi mo Alex?Isusuko na naten ang UGO ?" Gulat na gulat kami sa sinabi nito saamen.

Hindi kami makapaniwala na masasabi niya ang katagang iyon.

" Ano bang nangyayare sayo?" Takang saad ni Yannie

" Guys, we lose. Wala na tayo magagawa pa kay Hero. Talo na tayo " mas lalo akong nabigla sa sinabi nito

" Nasisiraan kana ba ng ulo Alex? Bakit mo ba sinasabi yan ha !" Singhal ni Mich

" Look alam naten na malakas si Hero, hindi siya madaling talunin pero alex naman, basta basta nalang ba tayo susuko?Isusuko nalang naten basta basta ang UGO?" Ayoko. Malaki ang sakripisyo ni Ghail sa grupong ito. Lalo na sa UGO.

" Lissen to me guys! We already lose. Hindi na naten kaya si Hero. Ngayon pang magkakampi na sila ni Liam sa tingin niyo ba kaya pa naten silang kalabanin?"

" Anjan pa si Ate Rose para tulungan tayo, Mga iba pa naten kakampi na gang sa--"

" Hindi parin sapat yon Kim, dalawang mafia boss ang kalaban naten. Hindi lang sila Hero, pati narin ang iba pang gang kumakampi na sakanya para pabagsakin tayo." Tumitig ako ng seryoso rito. Samantalang ang dalawa ay nanahimik.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit mas pinili niyang sumuko kaysa lumaban at makapaghigante sa ginawa nila kay Minho at Ghail.

" Hindi kita maintindihan, Bigla bigla kanalang sumusuko Alex. Samantalang kaming tatlo ay patuloy na lumalaban para kay Ghail." Saad ni Mich

" Hindi ko nakakalimutan ang ginawa nila kay Ghail p--" sumabat na agad ako.

" Ayon naman pala eh, edi dapat hindi sumagi sa isip mo yan sinasabi mo saamen ngayon. Kung talagang gusto mo pang makamit ang hustisya para kay Ghail, Lumaban ka. Labanan naten si Hero at kapag natalo naten siya doon palang makakamet ang hustisya!"

" H-hindi niyo ko maintindihan kim,"

" Ikaw ang hindi  makaintindi." Nagsalita na rin si Yannie. " Gusto mo sumuko nalang tayo?Dahil madami nang kumakampi kay Hero ganon ba? Tandaan naten binuo nila Ate rose ang grupong ito. Si Ghail? Madami siyang sinakripisyo para sa grupong to. Nawala siya sa pagproprotekta saaten kaya bakit tayo susuko? Bakit naten hahayaan na manalo si Hero at mawalan ng saysay ang lahat ng ginawa ni Ghail para saaten lahat. Sana maalala mo yon Alex." Aniya at iniwan na kami.

Tumingin ako rito at nakayuko na ito. Alam ko apektado rin siya pero hindi ko talaga siya maintindihan.

Lumapit si Mich rito at niyakap.
Alam ko nahihirapan na siya. Pero hindi lang naman siya, pate kami ay nahihirapan naden. Pero hindi sumagi sa isip ko ang sumuko dahil sa mga nangyayare saamen ngayon. Dapat nga mas tumibay kami sa pagsubok na ito eh pero siya. Hayss ewan.

" Hindi ako galit sayo Alex, pero hindi ko gusto ang mga sinabi mo. Sana pinagisipan mo munang mabuti yan." Saad ko at lumabas na.

Nadatnan ko sa labas si Yannie na umiiyak kaya nilapitan ko agad siya at inakbayan.

" Intindihin nalang naten si Alex,magulo lang siguro isip nun." Saad ko

" H..hindi ko siya ma-intindihan eh.. hindi lang naman siya yun nahihirapan sa lahat ng nangyayare saaten. Lahat tayo Kim. Kaya hindi ko matanggap na bigla nalang siya susuko "

" Alam ko yon Yannie, pero kahit ano pang mangyare walang susuko. Hindi tayo susuko ha. "

Tumango na lamang ito bilang sagot.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon