Chapter 82:
Dalawang linggo na ang nakalipas..
Nakauwi na ang dalawa sa tulong ng mga kaibigan nila.
Nahanap din sila nang mga ito..
Malaking question mark ang naiwan sa isipan nila kung anong nangyare sakanila sa gubat.
Nadatnan din nila ang katawan ni Hero o Luke na nakahandusay sa lupa at wala nang buhay..
Mabuti na lamang hindi malala ang mga sugat ng dalawa kaya nakarecover agad sila.LANCE POV
" Ethan saan ka pupunta?Ipapaalala ko lang sayo na kalalabas mo lang sa hospital." Singhal ko
" Gusto ko siya makita."
Alam kong nagaalala ka sakanya..
Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.
Simula nun nagising siya si Ghail palagi ang hinahanap niya.
" Man naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero kailangan mo magpahinga. Hayaan mo muna si Ghail. Inaayos lang niya ang mga dapat ayusin"
" Wala siyang kasalanan. Ako ang nakapatay kay Luke hindi siya kaya dapat ako ang nandoon !" Naiinis ito.
" Bro, hindi mo kasalanan ang nangyare. Si Luke ang dapat sisihin rito dahil siya naman ang naunang manggulo eh."
" Napahamak pa rin siya. Ilang beses na siyang napahamak at wala akong nagawa. Hindi ko man lang siya maprotektahan"
Ramdam ko ang galit nito at pagkainis sa sarili.
Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya at malagay sa panganib ang mahal ko sa buhay magagalit rin ako sa sarili ko.
" You save her that night."
" Yeah. Kaya rin siya nandoon."
" Bro kilala naten si Ghail, matapang siya kaya niyang lagpasan kung ano man problemang kinakaharap niya. Kaya wag kana magalit sa sarili mo. Magpahinga ka para pagbalik niya, gawin mona ang mga dapat mong gawin."
Dahil ganun din ako.
Hindi na ako magaaksaya nang panahon na hindi masabi sakanya ang nararamdaman ko .
" Hey. Any problem?"
Nagsidatingan na sila Martin.
" Nagaaway na naman ba kayo?" Singhal ni Jos
" Hindi. Naguusap lang kami." Sagot ko.
" Hay nako Ethan kung si Ghail na naman iniisip mo, wag kang magalala mas matapang pa siya sa mga Mafia boss eh." Saad ni Martin at naupo sa sofa.
" Babae pa rin siya." Sabi nitoTinapik siya sa balikat ni Joseph.
" Wag kana magalala pa . Walang mangyayareng masama sakanya."