CHAPTER 75

103 4 1
                                    

Chapter 75: Feelings

One week Later..

Isang linggo na ang nakakalipas simula nun umalis kami sa pinagtataguan nila Ghail.

Hanggang ngayon ginugulo paren ako ng nalaman ko.

Hindi kona siya nakausap pa  dahil umalis kami agad.

Sinalubong kami ng mga tanong nila Martin. Kung sino at paano kami nakaalis sa hideout ni Liam.

Wala kaming sinabi na kahit ano sakanila..

Hindi dahil sa tanggap kona ang ginawa ni Ghail kundi ayoko lang saaken nila malalaman na buhay siya. Mas mabuti nang siya mismo ang magpakita sakanila.

Maski si Lance ay walang sinabi. Kahit na kinukulit na siya ng mga babae.

Wala na rin kami nakuhang balita sakanila. Kung ano ang plano niya para labanan si Hero. Nabalitaan lang namen ay hawak niya si Jacob at Liam.

Mas mabuti narin to na hindi na kami nagkita pa.

Nakahiga ako sa sofa ng maramdaman kong may tumabi saaken.

" Ethan, ano na? Ayaw mo parin ba maniwala sakanya?"
.

Eto na naman si Lance. Kinukulit na naman ako about sa babaeng yon.

" Gawin niya gusto niyang gawin, wala na akong pake doon." Pabalang na sagot ko rito.

" Pare wala kaba talagang pake sakanya?Akala kopa naman may gusto ka sakanya."

Nabigla ako sa sinabi nito kaya napaupo ako..

" What?!Anong sinasabi mo ha Padilla?ako may gusto sakanya?Nahihibang kanaba" hindi ako makapaniwala na sasabihin niya un..

Kailan ko inamin na may gusto ako sa babaeng yon?What the heck!

" Hindi ba?eh noon magkakasama tayo halos ibuwis mona buhay mo para sakanya, tapos ayaw mopa mapalapit siya kay Hero. Oh come on Ethan, wag mona ideny na wala kang gusto rito." WOW ha. Dahil lang don?

" Nababaliw kaba Lance?W-wala akong sinabi na gusto ko siya!Saka dahil lang don?No way"nagiimbento ang lalakeng to.

Hihiga na ulit sana ako ng pigilan ako nito.

" Hep! Wag kana magdeny pa bro, halata naman eh. Bakit ka galit na galit sa ginawa niya?" Seryoso ba ang taong to!

Sinabi na ngang wala akong gusto sa babaeng yon eh

" Seryoso Lance?Tinatanong mopa saaken ang bagay nayan?kahit sino magagalit sa ginawa niya." Apakalakas ng tama ng taong to.

" oh sige sabihin na naten, kasalanan un ginawa niya pero bakit hindi mo sinabi kila Martin na siya ang tumulong saaten?"

Natigilan ako sa tanong niya..
Big deal ba yon? Tsk.

" Hay nako Padilla!Umalis kana nga sa pamamahay ko! Istorbo ka eh!Nagpapahinga ako oh." Singhal ko rito. Tumayo at hinila siya.

" Sandali Ethan. Hindi mopa sinasagot tanong ko eh."

" isa pa. Sasapakin na kita!"

Tinulak tulak ko ito palabas ng bahay ko. Nakakaistorbo na eh.

Kita na nga niya nagpapagaling ako! Badtrip..

" Ethan sa-"

Sinarado ko agad ang pinto. Nang hindi kona marinig ang sinasabi nito.

Napakawalang kwenta ng sinasabi niya Tch.

Bumalik ako sa sofa para humiga.. Isang linggo palang nakakalipas kaya't hindi pa tuluyan gumagaling ang mga sugat at pasa ko.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon