CHAPTER 67
LANCE POV
" Anyare sa labi mo bro?"
" Oo nga Ethan anyare?" magkasunod na tanong ng kambal rito.
Mukang may sumapak rito. sino naman?
" Wala to." sagot nito na umupo sa tabi ko.
Mukang hindi maganda ang gising niya huh?
" Dinalaw ka?"
napatingin naman ito saaken, akala niya siguro hindi ko alam na dinalaw siya ng tatay niya.
" Yeah." sagot nito.
Paano ko nalaman? Well kilala ko si Ethan kapag ganyan ang aura niya nakausap nito ang Papa niya.
Tinapik kona lang ito sa balikat alam ko nararamdaman nito ngayon.
Naalala ko hindi maayos ang relasyon nilang magama, simula nun pagkabata niya hindi na sila magkasundo so wala nang bago pa doon. Hanggang ngayon ay hindi sila nagkakausap ng maayos.
Binaling naman nila ang pansin kay Jv .
" Mukang maayos kana Jv huh? naging maganda ba ang pagistay ng isang gabi sa bahay nila Yannie?"
" Napansin ko din, so ano na magkwento kana?" dugtong ko
" Wala naman, nakausap ko si Ghail." seryoso nitong sagot.
nagtaka naman ako dahil si Ghail ang nakausap niya pero mukang nakatulong ang paguusap nila hah.
" Ano sinabi sayo ni Ghail?" curious na tanong ni Martin rito.
hindi agad ito sumagot.
Pinagiisipan pa ata ang isasagot niya eh tsk.
" Hoy ano na? ano sinabi sayo para maging ganyan ka?" bagal sumagot eh.
" Sabi lang naman niya magkakaayos pa kami ni Yannie, bigyan ko lang daw ng time."
" Oh ganun pala, so kailan mo balak kausapin siya?"
" Hindi ko pa alam, tatawagan nalang daw ako ni Ghail if handa na ulit si Yannie na kausapin ako."
" Tsk" napalingon ako kay Ethan na mukang hindi sangayon sa pinagusapan nun dalawa.
or nagseselos lang ito?
" Sigurado kaba na gusto talaga ni Ghail na magkaayos kayo ni Yannie?"Mahulugan na tanong ni Ethan rito.
nagkatinginan kaming tatlo dahil sa tanong nito. Seryosong masyado eh.
" HAHA Ethan parang hindi ka naniniwala sa sinabi ni Ghail?"
" Hindi nga, kung hindi naman pala si Yannie nakausap mo bakit ka naniniwalang magkakaayos pa kayo? malay mo nasabi lang un ni Ghail para tumigil kana sa ginagawa mong paghabol kay yannie?"
" Naniniwala ako kay Ghail." seryoso at sure na sagot ni Jv rito.
" Ayown naman pala eh totoo naman pala sinabi ni Ghail sakanya so hayaan na naten." pagiiba ko ng usapan.
May iba nang tensyon sa pagitan ng dalawa eh. hindi naniniwala si Ethan so ayoko naman isipin ni Jv na hindi namen siya sinusuportahan.
" Oo nga, maggala nalang tayo" sabat na ni Jos.
" Yeah, let's hang out together guys," masayang saad ko.
bonding nadin namen magbabarkada