Chapter 52: Meet The Hero Willson
Im on my way pauwi sa bahay namen ng mapahinto agad ako ng may mga taong nakaharang sa daanan.
Tsk. Ano na naman bang meron?
At talagang humarang pa sila sa daan huh?Bumaba naman nako para tignan kung ano ba ang pinagkakaguluhan nila doon para lang humarang .
naglakad na ako patungo sakanila at unti unting nakita ko na may taong nakahandusay sa kalsada at duguan ito.
Shet ! Napahawak ako bigla sa bibig ko dahil sa nangyare dito. Damn ! Nakanganga ito at may Pako sa leeg. Pati narin sa dalawang mata nito ay may nakaturok din na pako.
Sino siya para patayin sa ganitong paraan?
Hindi ako pwede magkamali , Ang PxGang na naman may kinalaman nito dahil narin sa pako.
Nagsidatingan naman na ang mga pulis kaya pinagilid nila ang mga tao , kaya gumilid nalang din ako ng may magsalita mula sa tagiliran ko.
" Nakakaawa no?" Malamig ang boses nito kaya napatingin ako rito .
Siya na naman ! Ang lalakeng nakabungguan ko.
Pero this time kitang kita kona ang mukha niya .
" Do you know him ?" Aniya
habang nakatingin sa lalake.Iniwas ko naman ang tingin ko sakanya. Hindi ko alam pero iba talaga nararamdaman ko sakanya. Ang presensya niya talaga kakaiba.
" I Don't know him." Sagot kona lang rito. At umalis na ako. Hindi na ako pwede magtagal pa rito. Lalo't hindi ako siguro sa taong un.
Bago pako makalayo ng magsalita ulit ito.
" Ghail Tan Right ?" Napatigil ako sa paglakad sa sinabi nito .
Kilala niya ako? No paano?
Unti unting bumalik ang tingin ko rito at nakangisi ito.Sino ba siya? Paano niya ako nakilala?!
Unti unti naman itong lumalapit saaken at nakangisi parin ito tila ba halimaw. Damn ! Umaatras nadin ako , dahil sa hindi ko maiexplain na nararamdaman ko.
Ng mabunggo ako sa kung sinong taong nasa likuran ko.
Kaya inangat ko tingin rito.
.
" Ethan " mahinang bigkas ko sa pangalan niya.
Nakatitig lang ito sa lalakeng nasa harap namen. Kaya binalik ko tingin ko rito at hindi na tulad date wala na ang ngisi niya sa muka pero un tingin niya kay Ethan mahulugan.
Hawak hawak parin ni Ethan ang bewang ko at tulad ng tingin ng lalake sakanya ganun din ang tingin nito rito.
Magkakilala ba silang dalawa?
" Ethan David, Long Time no see bro " at lahat ng tanong sa isip ko ay nasagot.
Magkakilala nga silang dalawa.
" yeah long time no see, But bro stay away from her." Wika ni Ethan at hinila ako palayo pero nagsalita ulit ang lalakeng un.
" Why? She's your girlfriend ?"
Hindi na ito pinansin ni Ethan, at nagtuloy lang ito sa paglakad.
Nakarating na kami sa kotse ko. Pero ni isa saamen ay walang nagsalita.
Hindi parin ako makaget over sa nangyayare ngayon, ang daming katangunan na gusto kong masagot.
At sa mahabang katahimikan, finally nagsalita na si Ethan.