CHAPTER 34

244 5 0
                                    


Chapter 34:

"  Martin wag ka nga magulo " singhal ni Kim sa nanggugulong Martin.

Naiingayan na ang dalawa nitong kaibigan.

"Alam niyo,  guys wag kayo maingay.. remember nasa library tayo mamaya palabasin tayo eh saka Martin wag mo  nga landiin si kim" singhal ni Mich

Pinukol ng masamang tingin ni Kim ang kaibigan.

"Asa.. hindi ko siya nilalandi" sambit ni martin

" manahimik ka jan!"singhal naman sakanya ni Kim

" Tumahimik na kayo, pwede?" Mahinahon na sabi ni Yannie.

Tumahimik naman sila at nagpatuloy sa pagbabasa.

Lima sila na nasa librabry.

Tatlo lang dapat pero sumunod sila Martin at Joseph at umupo sa tabi nila.

"Food" dumating naman si Jv na may dala dalang nakasupot na pagkain.

"Uy pre salamat " masayang sabi ni Martin at akmang kukuhanin niya ang supot ng iiwas ito ng Jv.

"Bumili ka ng iyo tol.."

" Napaka damot mo naman." Singhal nito.

" Mayaman ka, gamitin mo pera mo. Oh girls."

" Thankyou Jv, ang bait naman. Nanlilibre" si Kim

" Kaya nga. Thankyou" si Mich

" Hoy bat sila binilhan mo samantalang ako ang kaibigan mo!" May hinanakit na saad ni Martin.

Natatawa ang mga girls sa inasal nito.

Isip bata , sa isip isip ni Kim.

" Hoy Joseph, halika nga bili tayo" singhal nito sa kaibigan na busy sa pagkukulikot sa Laptop nito.

" Ayoko nga kata––

" Libre kita." Agad na tumayo ang binata at may ngiti sa labi.

" Sige, sige. Tara na"

" Basta libre, mabilis ka!"

Umalis na ang dalawa.

" Mga baliw" saad ni Yannie

" Huwag niyo na sila pansinin pa." Ani ni Jv.

Napapansin ng dalawa ang closeness nila Jv at Yannie.

Kaya nagkakatinginan si Mich at Kim. Naguusap ang kanilang mga mata.

" Hindi niyo ata kasama si Alex?"

" Umalis, gusto daw mapagisa." Sagot ni Kim rito.

" May talent pala siya sa pagkanta. Pero bakit nagdadalawang isip pa siya na tanggapin ang offer ni Prof. Sebi?" Tanong ni Jv.

" Simula pa nun bata siya, kumakanta na talaga siya. Well minana siya sa Daddy niya na singer sa theater dati. Saka nakakabigla naman ang sinabi ni Prof. Sebi eh." Sagot ni Yannie

Dating Singer sa theater ang ama ni alex, kaya hindi nakapagtataka na magaling itong kumanta.

Ang mga kaibigan, kapamilya at dating kabanda lang ni alex ang nakakaalam sa talento niya sa pagawit at sa pagtugtug ng iba't ibang instrumento.

" Oo nga pero hindi basta basta na banda lang ang sasalihan niya. Sumasali sa international ang banda nila Lance, saka magaling na singer si Lance." Proud na proud ito sa kaibigan.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon