CHAPTER 11

330 9 0
                                    


KIM POV

" Guys magshopping naman tayo." Sambit ko.

Linggo naman at walang pasok. Kaysa naman nandito lang kami sa Bahay. Nakakainip din.

" Oo nga. Gusto ko mag pa spa.. nakakastress eh" saad ni Mich na kunwari hinihilot ang Ulo.

" Gastos lang yan."

" Hoy yannie ang yaman mo para sabihin gastos lang yan." Singhal ko rito.

Panira eh..

" Gastos nga lang yan kaya arat HAHAHHA" ay baliw rin ang isang to.

" Your crazy Yannie. Anyway ano Alex gusto mo?" Baling ko rito na busy sa pagbabasa.

" Ayoko. Tinatamad ako maglibot" walang kaganang ganang sambit nito.

Kailan kaba sinipag? Sabi ng isip ko hehe.

" Lagi ka naman tinatamad Alex eh. Minsan nalang tayo maglibot eh. Ang kj niyo pa" pagmamaktol ni Mich

" Eh si Ghail ba?Siya kaya ayain niyo." Saad pa nito.

Oo nga no. Asan kaya ang babaeng yon?

" Wag na tayo umasa don. Hindi hobby nun maglagalag. Beside tulog pa siya." Walang ganang saad ni Mich

Hayss.

" Tayo nalang Mich. Tutal ayaw nila eh."

" Tama tama. Tayo nalang maglibot sa Mall. Magbihis na tayo" aniya at hinila nako.

" Sama ako" habol ni yannie.


MALL

Madami na kami nalibutan at nabili.

Ngayon nasa Ice cream Shop kami.

Nakakagutom mamasyal eh.

" Kamusta kaya yun dalawa.?" Naiisip ko kase kung ano ginagawa nila sa bahay ngayon.

" Panigurado nasa Hideout sila. Alam mo naman ang dalawang yon." Sagot ni Yannie

" Panigurado nga."

Wala nang kumibo pa saamen. Busy kami sa pagkain eh HAHAHA.

Food is Life eka nga...

" Hi Girls."

Sabay kaming tatlong napalingon sa nagsalita.

Muntikan ko pang malaglag ang hawak kong ice cream.

Anong ginagawa ng mga siraulong to rito.

" Anong ginagawa niyo rito ha?" Singhal ni Mich

Imbis na sumagot ay umupo pa sila sa tabi namen.

Aba't. Ang kakapal din pala ng mga muka ng apat nato.

" Kakain din kami ng ice cream. Masama ba yon?" Namimilosopo ba ang Martin Sy nato?

" Obvious naman po, Ang sabi ko anong ginagawa niyo rito sa Table namen?Wala ba kayong mga mata huh? Madami Vacant oh. Doon kayo wag dito." Kairita!

" Kalma Kimberly. Aalis din kami rito."

" Umalis na kayo!" Pagpapalayas ni Mich

" Hoy hindi sainyo ang shop nato kaya wag niyo kami pinapaalis. Uupo kami kung saan namen gusto." Sabat ni Joseph

" Sinabi ba namen na amin to ha?Hindi niyo ba gets na umalis kayo sa table namen.?" Mahirap ba yon intindihan tsk.


The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon