Nakamasid lamang ako sa dalawa habang naguusap sila.
Gusto kong pumunta sa kinaroroonan nila at ilayo siya kay Ethan pero hindi ko magawa, dahil narin pinipigilan ako ni Minho.
Damn! Kasalanan ko to eh kung bakit sila nagkita eh! Bakit hindi ko man lang naisip na kay Ethan ang kotseng nakaparada malapit rito! Ang tanga ko bwiset!
Inis na inis ako sa sarili ko! Dapat hindi sila nagkita!
" Relax ka lang Zeke, naguusap lang ang dalawa" mas lalo pa akong nainis sa sinabi ni Minho.
Kaya sa sobrang inis ko nasuntok ko ang pader na malapit saaken!
" Fuck!" mura ko
" Kumalma kanga Fernandez! Walang mangyayare masama sakanya, kailangan lang nila magusap!"
" Pero hindi mo dapat hinayaan na makalapit si Ethan sakanya! Hindi ako nagtitiwala sa taong yan!" singhal ko.
" May tiwala si Ghail kay Ethan," Siguradong sigurado siya sa sinabi niya ha.
Hindi naman niya kilala si Ethan upang pagkatiwalaan niya ito.
Shit! Bakit ba nagkita pa sila!
Makasarili man ako pero ayokong mapahamak ulit si Ghail!Oo, buhay si Ghail. Buhay na buhay.
Mahirap man paniwalaan pero kasama namen siya ngayon.
2 Linggo na ang nakalipas bago ko malaman na buhay siya. Kung hindi pa sinabi ni Eros saaken ang totoo siguro hanggang ngayon nagluluksa parin ako sa pagkawala niya.Nagsinungaling kami sa mga kaibigan niya para lang maprotektahan sila.
Gustuhin ko man sabihin na sakanila ang totoo hindi ko magawa dahil narin sinabi niya na wag muna ipaalam sakanila.
Ayokong malagay ulit sa kapahamakan ang buhay niya, sa lahat ng ginawa niya matulungan lang ang iba.
Masaya parin ako dahil alam kong buhay siya. Pero hindi ko inaasahan na malalaman ito ni Ethan.
Ang lalakeng iyon! Kahit kailan asungot!
Hindi ko maipapaliwanag ang lahat ng nangyare sakanya, wala akong karapatan upang sabihin iyon. Kaya mas mabuti nang sakanya mismo manggagaling ang mga nangyare ..
" Sa ginagawa niya , masisira ang lahat ng plano naten." walang gana kong sambit.
Naupo na lamang ako. Hindi ko kayang tignan silang magkasama at hindi ko alam kung ano ba ang pinaguusapan nila sa oras nato!
" Matagal ko nang kilala si Ghail, at nasisigurado ko sayo hindi masisira ang mga plano naten ng dahil lang kay Ethan." anito at naglakad na palayo.
Tsk. Sana nga walang magbabago sa plano at hindi makakaapekto si Ethan rito!
Hindi ko na hahayaan na manganib ulit ang buhay niya ng dahil lang kay Ethan. Oo , kaibigan ko noon ito pero hindi ibig sabihin nun nagtitiwala parin ako sakanya.
Ibang usapan nato , sangkot na ang babaeng gusto ko.
Gusto ko si Ghail, kaya nagseselos ako !
Pero ano nga ba ang puwang ko sa puso niya kung andito na si Ethan? Hindi man niya aminin, alam kong gusto ni Ethan si Ghail.
At nasasaktan ako kapag naiisip ko na may nararamdaman din si Ghail para rito.
Bullshit!
ETHAN POV