CHAPTER 31

244 5 1
                                    

Chapter 31:


" pare ano ba nangyare sainyo dun sa gubat?" Tanong ni Lance sa kaibigan.

" bakit tol gusto mo malaman?" Nakakalokong ngisi ang binigay ni Martin rito.

" Manahimik ka Sy! Ano nga Ethan?" Interesado ako eh lalo't umuwi sila na buhat buhat si Ghail.

Imagine, tinanggap ni Ethan ang masasakit na suntok ni Ghail.

" Wala."

" Wala?Napakadamot mo naman Ethan!" May hinanakit na sabi ni Martin

" Yeah, but"

" But, what?" Pasuspense pa kase ang lalakeng to. Hindi pa ituloy tuloy.

" May iba pang tao rito, maliban saaten." Seryosong tugon nito.

Ibang tao?

" sino naman un?" Singit ni Jv.

Nagkibit balikat nalang si Ethan.

" Baka naman sa mga karatig bayan lang yun. Nagpunta dito." Sabi ni Martin.

" Nagpaputok sila ng baril. May hinahanap sila." Natigilan kami sa sinabi nito.

Nagpaputok sila. Damn!

" May mga militar sa gubat kanina baka sila naman yon." Sabi ko.

Malay naten diba.

" Hindi. Sa tingin niyo ba magpapaputok sila habang hinahanap nila si Ms.Tan?delikado yon." Aniya

Lumabas na si Joseph.

Nasa loob kase ito ng tent ng medical team. 

" bro kamusta na siya?" Tanong ni Jv rito.

" Okay naman daw siya. Hindi naman daw malala ang pilay nito." Tugon nito at umupo sa tabi ko.

" Mabuti at nahanap mo siya.",

.
" Hays. Mabuti nga, kung hindi baka napahamak na siya. May mga lalake kanina, nagpaputok pa nga eh." Aniya

So, pati pala siya nakita ang mga lalakeng sinasabi ni Ethan.

"  Sino kaya sila?Ano kaya ginagawa nila rito. Damn. Hindi na safe ang lugar na to" kabadong saad ni Martin.

" Magpapahinga na ako. Nakakapagod ang araw na to. Mauna na ako sainyo" paalam ni joseph.

" How about you guys? Hindi paba kayo magpapahinga?" I asked.

Nakakapagod nga ang araw na to eh.. ang daming nangyare.

Patayo pa lang kami ng makita namen ang mga babae.

Papunta sila rito.

" Ghail, magpahinga ka muna kaya" singhal ni Alex rito.

Hindi talaga papaawat ang babaeng to. Lakas ng resistensya.

Puro sugat na nga ang natamo, tuloy pa rin.

"Ghail!"

" Hayaan niyo na siya. Gusto niya talaga makita si Mich eh." Saad ni yannie.

" mauna na sko" paalam naman ni Ethan.

Tumango ako rito. Kailangan niya talaga magpahinga.

" Ang kulit pala ni Ghail" sabi ko.

Napatingin silang dalawa saaken.

May nasabi ba ako na para sabay silang tumingin saaken?

" W-why? May nasabi ba akong mali?" Grabe ang mga titig nila. Para akong kakatayin.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon