YANNIE POV" Nakaalis na si Maxine?"tanong ko kay Ghail na seryoso lang sa ginagawa niya.
" Oo."
" Hindi ko inaasahan na sasabihin niya un Ghail, buti nalang pinauwi mo agad." Nalaman ko kasi na nagpanggap siya bilang si Die Rose eh sobrang delikado un ginawa niya. Kaya rin siguro pinauwi agad ito ni Ghail sa America.
" Don't worry naayos kona, umuwi na siya kaya okay na ang lahat." Tugon nito.
Oo nga pala hindi pa pala umuuwi sila Alex.
Kasama niya si Lance kahapon pa, nagulat nga din kami na sila na magkasama kahapon eh..
Pero pinagpaalam na din naman ni Lance kung nasaan sila at pumayag naman si Ghail na wag muna siya iuwi rito na sinangayunan namen, well para nadin sa ikakabuti niya nang hindi niya makita si Ivan!
"Asan nga pala si Mich? Hindi ko ito nakikita eh
" Kasama ni Joseph" nabigla naman ako sa sinagot nito.
Seryoso ba?magkasama silang dalawa? Wow huh. Nakakagulat naman na nagkasundo din ang dalawang un..
" Seryoso?magkasama silang dalawa?"
" Oo, anyway Yannie tara sa hideout. May kakausapin tayo"aniya at tumayo na. So tumayo narin naman nako.
Hindi na ako nagtanong pa. Dahil alam ko naman na un sagot eh HAHA.
Fastforward
" Hi Tyler" bati ko rito ng makapasok kami sa loob ng Hideout.
Tinignan niya lamang ako na tila ba,kinikilala ako. Oh well hindi pala kami masyadong nagkikita..
" She's Yannie, Tyler " ani ni Ghail rito.
" Hmm, hello" aniya
Nilapitan ko naman ito. Ngayon kona lang kasi siya nakita since tinangka niyang patayin kami.
" Ilang taon kana?"
" 17"
" Ohh! Ang bata mo pa pala."
" Hindi ba obvious?" Aba! Pinipilosopo ba ako ng batang to.
" Hoy! Hindi ka mukang bata," singhal ko rito. Kainis huh.
Napalingon naman ako kay Ghail na tinapik ako sa balikat.
" Tara na, mamaya na kayo magusap ni Tyler. May dapat tayong kausapin."
" Sige." Hinarap konaman si Tyler " Mamaya tayo magusap!"tinalikuran kona ito. Gusto ko lang naman ito makilala eh. Muka naman siyang mabait.
" Ano ba plano mo kay Tyler?hindi moba siya iuuwi sa parents nila?"curious lang kasi ako sa plano niya dito. Matagal narin na andito siya eh.
" Patay na ang parents nila."
" huh?seryoso?" Nabigla ako sa sinabi nito.
Nagnod naman ito." Paano mo nalaman?"" Inalam ko ang lahat lahat tungkol sakanila."
" So ano plano mo sakanya?"
" Mananatili siya rito." Huminto naman na kami sa may pintuan ng isang kwarto rito.
Maybe eto ang kwarto ni Zeke.
Binuksan naman na niya kaya pumasok na kami.
At tama ako si Zeke nga ang nakakwarto rito. Nakaupo ito habang nilalaro ang hawak niyang dagger.