CHAPTER 1

2.9K 35 1
                                    

Chapter 1: Date

SHANBRI POV

Sunday ngayon at andito kami ngayon ni Kenj sa mall. Magd-date raw kami dahil dalawang araw rin kaming hindi nagkita kasi busy siya sa office at ako naman ay busy rin sa work.

Nagtatrabaho ako sa isang kompanya dito sa maynila. Gusto sana ni Kenj na sa company na niya ako magtrabaho pero ayaw ko dahil baka mahuli kaming dalawa doon at pag tsismisan pa siya ng mga tao.

Simple lang ang buhay namin. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap sakto lang.

Parehong public teacher ang parents ko pero hindi ako sumunod sa yapak nila dahil iba ang gusto kong tahakin na landas.

Anyway, magkahawak kamay kami ni Kenj habang naglilibot sa mall. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao lalo na ng mga kababaihan. Ano pa nga ba eh palagi naman ganyan kapag kasama ko si Kenj.

Di naman kasi maikakailang gwapo talaga ang boyfriend ko. Matangkad, moreno, matikas ang katawan, matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahahabang pilik mata, mapupulang labi at ang pinaka paborito ko sa lahat, ang kulay abo niyang mga mata. May lahi kasi siyang German kaya ganoon ang kulay ng mga mata niya.

Hay napaka perfect talaga ng boyfie ko ewan ko ba kung ano nagustuhan nito sakin hehe.

Maganda naman ako. Iyon ang sabi ng nanay ko hehe. Hindi ako katangkaran at mayroon akong mahabang itim na itim na buhok hanggang baywang. Singkit ang mga mata ko at mayroong kissable lips. Iyon ang sabi ni Kenj. Pinakapaborito niya raw ang labi ko kaya gustong gusto niya akong halikan hehe. Simple lang akong manamit. Pulbo at liptint lang nilalagay ko sa mukha ko. May kaputihan ako at tama lang naman ang katawan.

Nagkakilala kami ni Kenj sa company niya nung nag intern ako doon. Siya ang CEO at may-ari ng kompanya oh diba yaman ng boyfie ko hehe.

Pero hindi pera niya ang nagustuhan ko ha. Minahal ko siya kasi maalaga siya sakin kahit na masungit siya minsan ay lagi naman niyang pinaparamdam na mahal niya ako at hindi niya ako hinusgahan kahit magkaiba kami ng estado sa buhay.

Ayon sa mga empleyado sa kompanya niya ay playboy daw si Kenj at hindi nagseseryoso sa mga babae. Paiba iba raw ang girlfriend nito pero ni isa ay wala raw siyang pinakilala sa pamilya niya at sa mga kapwa niya businessman. Mga kaibigan lang niya ang nakakaalam ng kanyang mga fling dahil pare-parehong playboy ang mga ito.

Noong una ay nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba si Kenj o hindi dahil narin sa mga naririnig ko tungkol sa kanya. Baka kasi ay pinaglalaruan niya lamang ako at hindi niya seseryusohin. At ako pa talaga nagpakipot sa kanya noh haha.

Pero hindi tumigil si Kenj sa panliligaw sa akin. Kahit na patago ito dahil ayaw kong may makaalam na iba lalo na sa kompanya ay pinatunayan niya na seryoso siya sa akin. Nagbago ito at palagi akong pinapadalhan ng bulaklak at tsokolate. Pinapadalhan niya rin ako ng pagkain araw araw dahil ayaw niya raw na magutom ako.

Kung minsan naman ay pinapatawag niya ako sa opisina niya at doon sabay kaming kumakain ng lunch. Hindi naman ito madalas dahil ayaw kong magtaka ang kanyang sekretary at kumalat pa ito sa kompanya.

Malapit na ang 1st anniversary namin at ang nakakaalam lang ng relasyon namin ay ang aking bestfriend na si Trish at ang parents ko. Ang alam lang ng mga kaibigan niya ay may nobya ito ngunit hindi nila ako kilala kahit ang pangalan ko dahil ayaw kong ipasabi kay Kenj. Noong una ay ayaw niyang pumayag gusto niya akong ipakilala maging sa pamilya niya pero kalaunan ay napilit ko rin siya.

Ayaw ko lang kasing malaman ng mga kaibigan niya at ang pamilya niya na nakikipag relasyon siya sa hindi niya ka uri. Hindi pa ako handa sa ngayon. Gusto ko pang maging successful at kapag nakamit ko na iyon ay papayag na kong ipakilala niya. Sana ay kami parin pagdating ng araw na iyon.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon