Chapter 17: Kiss
Nag request ang mga bata na dito matulog ang kanilang ama at pinagbigyan naman sila ni Kenj. Magsisiksikan na lang kami mamaya dahil hindi naman kalakihan ang kama namin.
Kasalukuyang nasa banyo ngayon ang tatlo para mag half bath. Sabi ng kambal ay ang daddy raw nila ang gusto nilang kasama kaya naman ay nauna na ako sa kanila.
Nakaupo na ako sa kama ngayon at katext ko si Trish dahil sinabi ko na sa kanya na nakilala na ng kambal ang kanilang ama. Gusto pang tumawag ng bruha kaya lang ay sabi ko next time na lang at ako na lang ang tatawag dahil narito pa si Kenj sa bahay.
Bigla namang may dumating na text galing kay Benedict.
Benedict:
Shan sorry nga pala kung hindi ko sinabi sayo na isasama ko ang mga bata sa pagsundo sayo kanina sa company. Umiiyak na kasi si Bri kaya pinagbigyan ko na. Pasensya na talaga.
Paliwanag sa akin ni Ben. Nagreply naman ako ng "okay" at nilapag na ang aking cellphone sa bedside table. Hindi ko naman siya sinisisi dahil naging mabuti naman ang kinahinatnan ng nangyari. Masaya ngayon ang mga anak ko dahil nakilala na nila ang kanilang ama.
Napabuntong hininga na lamang ako. Sakto naman paglabas ng tatlo sa banyo. Naka pajamas na sila at ang cucute talaga ng mga anak ko. Ang kanilang ama naman ay gwapo parin kahit naka pantulog na.
Nagpadala si Kenj ng damit niya sa kanyang driver noong hiniling ng mga bata na dito siya matulog.
"Mommy we're done!" At tumakbo palapit sa akin si Bri. Niyakap ko naman siya at inamoy amoy.
"Ang bango talaga ng baby ko," sabi ko sa kanya at pinanggigilan siya.
"Mommy ako rin!" sabi naman ni Yaj at niyakap ko rin siya at inamoy amoy.
"Ang bango rin ng baby Yaj ko ah." At kiniliti ko siya.
Tawa naman siya ng tawa kaya tinigilan ko na.
Sumampa narin si Kenj sa kama at nakangiting tumingin sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa kanyang inasta.
"How about me? Hindi mo ba ako aamoyin?" tanong niya at napangisi.
"Tumigil ka nga." Pag-iwas ko sa kanya.
"Why? Dati naman gustong gusto mo ang amoy ko diba? Adik ka nga sa pabango ko e," panunukso niya pa sa akin.
Ang mga anak naman namin ay kunot noong nakatingin lang sa amin.
"Tsk. Matulog na tayo," sabi ko nalang at humiga na.
"Daddy!" At bigla nalang pinahiga ni Bri ang kanyang ama at sumampa sa tiyan nito. Pinulupot naman ni Yaj ang kanyang braso sa leeg ng ama.
"Baby umalis ka jan sa ibabaw ng daddy mo." pananaway ko kay Bri. Kawawa naman si Kenj mabigat narin kasi ang mga bata at sigurado akong pagod narin siya sa trabaho kanina.
"But mommy..." Hindi ko naman siya pinagbigyan.
"No buts Brianna Marie." Kapag tinawag ko na sila sa full name nila ay alam na nilang seryoso na talaga ako.
Ngumuso naman si Bri at tumabi nalang sa gilid ng ama at niyakap ito.
"You're so strict to our children babe. Ayos lang naman sa akin," pagtatanggol naman ni Kenj sa kanyang anak.
Hindi ko naman siya sinagot at pinandilatan ko siya ng mata.
Bumuntong hininga naman ito at napailing.
"Daddy how did you know my mom?" biglang tanong naman ni Yaj sa kanyang ama.
"Ah, she's my intern before," sagot naman ni Kenj sa kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
Storie d'amoreSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...