CHAPTER 19

445 4 0
                                    

Chapter 19: Family Date

Sunday na ngayon kaya pupunta kami sa mall gaya ng ipinangako ni Kenj sa kanyang mga anak.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse at si Kenj ngayon ang nagmamaneho. Nasa harap ako at sa likod naman ang mga anak namin. Naka seatbelt ang mga ito kaya panatag din ang loob ko.

"Dad is this your car?" tanong ni Yaj sa kanyang ama.

"Yes baby," Tipid na sagot naman ni Kenj. At tumutok ulit sa pagmamaneho.

"Wow! It looks so expensive dad," namamanghang tugon ni Yaj at inilibot ang paningin sa loob ng kotse.

Napangiti lang naman si Kenj sa reaksyon ng kanyang anak.

"Daddy I'm so excited this is the first time that we will go to the mall with a complete family because we have a daddy now. I'm so happy!" mahabang ani naman ni Bri. Tuwang tuwa talaga siya ngayong araw.

Napangiti na lamang ako sa kanila. Sa wakas ay natupad na ang wish nila dahil kasama na nila ang daddy nila.

Okay na sa akin ang ganito dahil alam ko naman na may girlfriend si Kenj at hindi na kami pwede.

Sapat na sa akin na maging ama siya sa mga anak ko. Hindi na rin naman namin napag-usapan pa si Miss Kate. Ayaw ko na rin magtanong tungkol dito.

Pinalis ko na lang ang nasa isip. Family date namin ngayon kaya hindi muna dapat ako mag-isip ng ibang bagay.

"I'm happy too princess because I have you now," sagot nito sa anak at napatingin sa akin.

Bigla naman niyang hinawakan ang aking kamay na nasa ibabaw ng aking binti at tinaas ito papunta sa kanyang labi at hinalikan.

"Are you happy too babe?" malambing na tanong nito sa akin.

"O-oo naman," sabi ko nalang at binawi ang aking kamay. Mukang nabigla naman siya sa aking inasta pero hindi ko na lamang siya pinansin. Dinig ko naman na napa buntong hininga siya.

"We're here," anunsyo ni Kenj. Bumaba naman agad ako at pinag buksan ang mga bata at excited naman silang bumaba sa kotse.

"Yey daddy!" At nagpabuhat si Bri sa kanyang ama.

Sumunod din si Yaj at kumapit sa kamay ng ama. Dikit na dikit ang dalawa dito dahil may gusto sila sa kanya.

"Let's go to the toy store dad," request agad ni Yaj sa kanyang ama at tumango naman ito.

Naglakad na kami papasok ng mall at nauuna sila sa akin. Tumungo kami sa toy store at si Yaj ay agad na hinila ang kanyang ama sa mga laruang panlalaki.

Kumuha naman muna si Kenj ng pushing cart. Mukang balak niyang bilhan ng maraming laruan ang kanyang mga anak.

Buhat parin niya si Bri kaya naman pinapababa ko na ito. Kaya naman niyang maglakad mag-isa.

"Baby baba kana. Mapapagod ang daddy mo," pananaway ko kay Bri at napanguso naman agad ito.

"It's okay babe. Hayaan mo na," pagkampi naman ni Kenj sa kanyang anak.

Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan sila baka mawala pa sa mood si Bri kapag hindi napagbigyan.

"Dad I want that. Can you buy it for me please?" pagtuturo ni Yaj sa laruang eroplano na matagal na niyang gustong mabili.

"Ofcourse," sagot ni Kenj at nilagay na ito sa cart. Ako na lang ang magtutulak nito para sa kanila.

"What else do you want my baby boy?" tanong pa ni Kenj kay Yaj.

"Nothing dad. I just want this toy airplane." At hindi na maalis dito ang kanyang mata.

"How about these toy cars. Don't you want it baby?" Hindi naman na niya hinintay ang sagot ng anak at naglagay na ito sa cart.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon