CHAPTER 34

250 3 0
                                    

CHAPTER 34: BAGONG BUHAY

SHANBRI POV

"Oh anak, napaaga ata ang balik niyo dito sa Sta. Luna. Kumusta ang lakad niyo sa Maynila. Nakausap mo ba si Yael?" may pagtatakang tanong sa akin ni Mama pagdating namin sa bahay.

Agad naman nila kaming sinalubong at kinarga ang dalawang bata dahil pareho na silang inaantok.

"Saka ko nalang po ipapaliwanag sa inyo ang nangyari, Ma, Pa. Pakidala na lang po muna ang kambal sa kwarto nila para makatulog na sila," simpleng sagot ko na lamang sa pagod na boses.

Hindi na sumama si Trish pabalik dito sa Sta. Luna dahil may trabaho pa siya bukas sa Maynila ngunit sinigurado niya naman na makakabalik kami dito ng maayos at matiwasay.

Hindi na ako kumain ng dinner dahil wala akong ganang kumain. Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama dito sa loob ng aking kwarto ngunit hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata.

Maraming gumugulo sa aking isipan ngayon ngunit isa lang ang nais kong mangyari. Iyon ay ang makalayo kami sa lugar na ito sa lalong madaling panahon.

Hindi na kami matatahimik sa lugar na ito simula ngayon dahil alam ni Kenj ang lugar na ito ngunit ayaw ko nang makita pa siyang muli kaya ang balak ko ay lumayo na lamang sa lugar na hindi niya kami matutunton.

Alam kong mali na itago ko na naman ang mga anak namin mula kay Kenj ngunit pagkatapos ng lahat ng nangyari at sa ginawa niya sa amin ay wala na siyang karapatan pa na makapiling ang kanyang mga anak.

Hindi lang ako ang sinaktan niya kung hindi pati na rin ang damdamin ng kanyang mga anak. Hindi man nila sabihin ng diretso ito sa akin ngunit alam ko na mayroon na silang hinanakit sa kanilang ama.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumunog ang aking cellphone hudyat na mayroong tumatawag.

Kunot noong tinignan ko kung sino ang tumatawag at nabasa ko ang pangalan ni Benedict. Agad ko naman itong sinagot ng may pagtataka.

“Hello, Ben. Napatawag ka? Gabi na ah,” bungad ko sa kanya sa kabilang linya.

“Pasensya na, Shan. Ngunit hindi ko na kayang ipagpabukas pa ito. Tumawag sa akin si Trish at ang sabi niya ay kailangan mo raw ng tulong ko sa lalong madaling panahon kaya tinawagan na agad kita,” paliwanag ni Ben sa kabilang linya.

Napailing na lamang ako kay Trish. Kilala niya si Ben pero alam kung hindi sila ganoon ka close sa isa’t-isa kaya hindi ko akalaing magagawa niya itong i-contact para lamang sa aming kapakanan.

“Pasensya kana kay Trish. Nag-aalala lamang siya sa kalagayan namin ngayon kaya siya napatawag sa iyo. Pasensya na sa abala, Ben,” sagot ko na lamang sa kanya.

“Ano ba ang nangyari, Shan? Kung ano man ang problem niyo ngayon, nais kong malaman mo na narito lamang ako parati at handang tumulong sa inyo,” sinserong sabi ni Benedict.

Bigla namang nagliwanag ang aking isipan ng marinig ko ang sinabi ni Benedict. Baka nga siya na ang sagot sa mga problema ko ngayon. Sana nga ay matulungan niya ako.

“Salamat, Ben. Kung ganoon, pwede mo ba kaming tulungan? Gusto ko sanang lumayo sa lugar na ito at lumagay sa tahimik na lugar na walang makakatunton sa amin. May alam ka ba na pwede naming pag taguan?” tanong ko sa kanya.

“Oo, may alam ako. Bukas na bukas din susunduin ko kayo diyan para makaluwas na tayo bukas. Huwag kang mag-alala dahil safe ang lugar na ito at sisiguraduhin ko na hindi kayo matutunton nino man,” sagot ni Ben at binaba ko na ang tawag.

Sana nga ay maging okay ang lahat bukas. Gusto ko lang na maging tahimik ang buhay namin lalo na ng mga anak ko. Ayaw ko na pati sila ay madamay sa problema ko sa kanilang ama.

___

“Pasensya na, Shan. Hindi pa naaayos at nalilinis ng mabuti itong rest house. Minsan lang kasi namin ito nagagamit,” paghingi ng paumanhin ni Benedict.

Maaga kaming umalis sa Sta. Luna at tumungo dito sa malayong probinsya at medyo liblib na lugar. Narito kami ngayon sa rest house nila Benedict at dito na muna kami mananatili sa ngayon.

“Okay lang, Ben. Ako na lang ang maglilinis ng bahay total wala naman akong ibang gagawin. Maraming salamat ulit sa pagsama sa amin dito,” sagot ko naman.

“Mommy, are we staying here for good? How about lolo and lola? Are we leaving them alone in our old house?” inosenteng tanong ni Bri sa akin.

“It’s okay to me even if we stay here for good rather than in our old house. I just want a peaceful life,” matigas na sambit naman ni Yaj na animong isang matured na bata kung magsalita.

“I’m sorry, babies kung kailangan nating lumayo sa lolo at lola niyo. Mas makabubuti sa ating lahat kung mananatili tayo sa lugar na ito na malayo sa mga problema. Sana ay maintindihan niyo ang desisyon ni mommy, hmm?” may halong lungkot na tugon ko sa aking mga anak.

“Don’t worry, kids dahil lagi ko kayong bibisitahin dito para makipaglaro sa inyo at bibilhan ko rin kayo ng maraming toys at books para hindi kayo mabored dito sa bahay. Ayos ba iyon?” masayang sambit naman ni Benedict.

“Yes, tito Ben! It’s okay with me. Can you buy my favorite toys and books, please?” excited na tugon naman ni Bri sa sinabi ni Benedict. Si Yaj naman ay tahimik lang sa kanyang pwesto.

“Ofcourse, baby girl. Mayroong maliit na mall malapit dito sa rest house. Sa tingin ko naman ay safe doon kaya pwede tayong pumunta doon upang mamili ng mga gusto niyong bilhin,” sabi ni Benedict.

Agad namang nagliwanag ang mukha ng kambal at nagningning ang kanilang kulay abong mata dahil sa narinig mula kay Benedict.

Akala siguro nila ay hindi sila makapamamasyal sa lugar na ito kaya ganun na lamang ang kanilang reaksyon ng malaman na mayroong mall malapit dito sa tutuluyan namin.

“Yehey! I’m so excited! Thank you, tito Ben!” masiglang sambit ni Bri at yumakap sa binti ni Benedict. Paniguradong mas lalong magiging close ang dalawa simula ngayon.

“Sana ay maging okay ang stay niyo dito, Shan. Sabihan mo lang ako agad kapag nagkaroon kayo ng problema. Huwag kang mag-alala dahil masasanay din kayo sa pamumuhay dito,” seryosong sambit ni Benedict.

Tumango na lamang ako sa kanya bilang tugon. Sana nga ay maging maayos ang pagtira namin dito. Ang nais ko lang naman ay ang tahimik at masayang buhay para sa mga anak ko.

Sana ay tama ang desisyon ko na itagong muli ang kambal mula sa kanilang ama kahit sa tingin ko ay unfair ito kay Kenj pati narin sa kambal.

Ang tanging hiling ko lamang ngayon ay maging maayos ang bagong buhay namin sa lugar na ito at makapagsimulang muli na malayo sa mga problema at komplikadong buhay.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon