CHAPTER 32: THE ENGAGEMENT
SHANBRI POV
Sabay-sabay na nag palakpakan ang mga tao dito sa party ng makarating ang dalawa sa taas ng entablado at lahat ng mga tao ay manghang-mangha at matatamis ang ngiti sa kanilang mukha dahil sa galak.
Ngunit heto ako ngayon, hindi mawari kung ano ang aking dapat na maramdaman at parang biyernes santo ang aking mukha dahil hindi ito maipinta sa labis na pangamba na maaaring mawasak ang aking puso sa sandaling marinig ko ang sinasabing announcement ni Mrs. Villamor.
Napalingon naman ako sa aking dalawang anak na hawak-hawak ngayon ni Trish sa kanyang magkabilang kamay at katulad sa akin ay hindi rin maipinta ang kanilang mga mukha at halatang punong -puno rin ng mga katanungan ang kanilang isipan sa mga sandaling ito.
Samantalang si Trish naman ay todo irap sa gawi ni Kate at mukhang naiirita ito sa presensya ng dalaga.
“Good evening, ladies and gentlemen! First of all, I want to thank you all for your presence here tonight and giving time to attend my son’s birthday party. Secondly, I am so happy and excited to share with all of you a big announcement and good news and I am sure that you will be all surprised and I am hoping for your support. Lastly, I want to wish my son, Yael, a happy, blessed birthday. I know that we just lost your father but I am so thankful that you remained strong for our family and now you are standing in front of all of us together with a beautiful and amazing young lady, Ms. Kate Alvarez and with that, I want to call the attention of Ms. Kate’s parents, Mr. and Mrs. Alvarez, to join us here at the stage for our special announce for tonight.”
Habang binibigkas ni Mrs. Villamor ang bawat kataga ng kanyang mga salita ay unti-unting sumisikip ang aking dibdib at napakabilis ng tibok ng aking puso na para bang gusto nitong tumalon sa aking dibdib dahil sa labis na kaba.
Tinignan ko si Kenj at hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon.
Animo’y isa siyang robot na walang sariling buhay at walang mababahid na kahit anong emosyon sa kanyang kulay abong mata samantalang si Kate naman ay abot hanggang langit ang ngiti habang ang kamay nito ay naka-angkla sa mga braso ni Kenj.
“Now that we are all gathered here at the same stage. Allow me to announce some big news about my son, Kenji Yael and Ms. Kate Alvarez. I am happy to announce that the KY Villamor Corporation and Alvarez Enterprises are now merging it’s businesses and became a one corporation and all of it will be possible through my son and Ms. Kate’s marriage that is why I am announcing now the engagement of my son, Kenji Yael and Ms. Kate Alvarez. I hope you will support their upcoming marriage as soon as possible and I am expecting your attendance on that special day. Come on, let’s have a tose for our newly engaged couple!” masayang sabi ni Mrs. Villamor at nag palakpakan naman ang mga tao habang tinataas ang kanilang mga baso at maririnig mo rin ang kanilang mga bulungan pagkatapos marinig ang announcement ni Mrs. Villamor.
Naiwan naman akong tulala at nagmistulang naging estatwa sa aking kinatatayuan. Parang tumigil ang mundo ko pati narin ang pagtibok ng aking puso at paulit-ulit kong naririnig ang mga huling binitawan na salita ni Mrs. Villamor.
Totoo ba talagang nangyayari ang lahat ng ito o nasa isang masamang panaginip lamang ako dahil kung oo, gusto ko nang magising sa isang bangungot na ito.
Hindi ito maaari, hindi pwede maging engage si Kenj sa iba dahil ang sabi niya ay ako ang mahal niya at nangako siya na hindi na niya kami iiwang mag-isa ng mga anak niya.
Hindi ko ito kayang tanggapin at alam kong ganoon din ang kambal. Ayaw kong mawalan sila ng ama kaya hindi ako papayag na maikasal si Kenj kay Kate.
Kailangan ko siyang makausap at kailangan kong marinig ang mga paliwanag niya.
Hindi niya kami pwedeng basta-basta nalang iwan sa ere. Hindi, hindi maaari.
“Bes? Okay ka lang? Narinig mo ba ang sinabi ko? Ang sabi ko iuuwi ko na muna ang kambal at maiwan ka na lamang dito dahil alam kong kailangan mong makausap si Yael. Aalis na kami, Shan. Mag-iingat ka dito at goodluck ha. Kaya mo yan at wag kang magpapatalo sa bruha na iyan. Fighting bes!” Nabalik naman ako sa reyalidad dahil sa sinabi ni Trish at nakita ko na mukhang nabigla din ang kambal sa kanilang narinig.
Tumango na lamang ako kay Trish bilang tugon at lumabas na nga sila ng mansion ng mga Villamor. Mabuti na lamang at nandyan si Trish para umalalay sa mga bata dahil mukhang mapapasabak talaga ako sa gabing ito.
“Oh My Gosh! Look who’s here. Saan mo naman binabalak na pumunta ha? Ang kapal din ng mukha mo na pumunta pa dito. May balak ka sigurong guluhin ang engagement party namin ni Yael noh? Huh! You are such a bitch since the beginning!”
Biglang singhal naman sa akin ni Kate at hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot niya sa aking harapan ngayon dahil aligaga ako habang hinahanap kung nasaan na si Kenj dahil hindi ko na siya makita sa kinaroroonan niya kanina.
“Wala akong balak na manggulo dito sa party dahil si Mrs. Villamor mismo ang nag imbita sa amin na pumunta dito kaya kung maaari sana na huwag kang humarang sa dinadaanan ko dahil kailangan kong makausap si Kenj sa lalong madaling panahon. Wala akong oras makipagsagutan sayo, Kate, kaya mas mabuti pang umalis kana lang sa harapan ko at padaanin mo ako dahil mayroon pa akong mas importanteng dapat gawin kaysa sa makipagbangayan sayo,” sagot ko naman sa kanya sa matigas at seryosong tono dahil sa totoo lang ay nag-uumpisa na agad na kumulo ang dugo ko sa kanya sa sandaling umeksena siya ng biglaan sa harapan ko.
“Huh! At balak mo pa talagang kausapin ang fiance ko ha, bitch! Pwede bang wag mo na kaming guluhin dahil ikakasal na kami at wala ka nang magagawa pa! Hindi mo ba nakikita na masaya na kaming dalawa sa piling ng isa’t-isa kaya huwag ka nang umeksena pa! Nakikita mo ba itong singsing ko ha? Binigay sa akin to Yael at ito ang nagpapatunay na engaged na kami at malapit na kaming ikasal kaya pwede bang tanggapin mo na lang ang katotohanan na ako ang totoong mahal ni Yael at hindi ikaw!” pasigaw na sabi niya sa akin at mukhang galit na galit na siya ngayon dahil sa itsura niya habang pinagmamayabang niya sa akin ang engagement ring nila ni Yael.
“Ano? Hindi ka makasagot ngayon noh? Gusto mo pa ba ng ibang pruweba na ako talaga ang mahal ni Yael at hindi ikaw? Sige, mayroon akong ipapakita sayo at siguro naman ay matatauhan kana kapag nakita mo ito,” sabi niya at kinuha ang kanyang cellphone mula sa kanyang handbag at agad niya itong binuksan at inilahad sa akin.
“Nakikita mo yang mga pictures na iyan? Pictures namin yan ni Yael noong gabing may nangyari sa amin. So, ngayon naniniwala kana ba na ako talaga ang mahal niya at hindi ikaw?” tanong niya sa akin habang nakangisi at napatulala na lamang ako sa mga nakikita kong pictures nila habang sila ay magkayakap at parehong walang saplot ang katawan at tanging kumot lamang ang nagsisilbing pantakip sa kanilang mga hubot-hubad na katawan.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...