CHAPTER 42: MYSTERIOUS GUY
THIRD PERSON POV
Kakatapos lang ng klase ng kambal na si Yaj at Bri.
Kasalukuyan silang nasa gate ng kanilang paaralan habang hinihintay ang kanilang sundo dahil hindi sila pwedeng palabasin ng security guard kung wala ang sundo ng mga ito.
“What is taking mommy so long? I want to go home already, kuya,” nakangusong reklamo ni Bri sa kanyang kuya Yaj dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang kanilang mommy para sila ay sunduin sa daycare center kung saan sila nag-aaral.
“Just hang on there a little bit, Bri. I am sure mom is already on the way so she will arrive here to fetch us as soon as possible,” sagot ni Yaj sa kapatid upang siguraduhin na hindi ito mag-alala pa at mabagot sa kakahintay.
Napatingin naman ang dalawa sa kanilang mga school mates na masayang sinusundo ng kanilang daddy at halos lahat ng mga ito ay may dalang magagarang sasakyan.
Bigla namang nalungkot ang dalawa ngunit ipinagsawalang bahala na lamang nila ang mga ito.
Kahit naiinggit sila sa kanilang mga kapwa estudyante ay alam naman nila na wala silang magagawa tungkol dito dahil ang kanilang daddy ay wala sa kanilang piling ngayon.
May konting kirot sa kanilang dibdib tuwing nakikita nila ang mga kaeskwela na masayang sinusundo ng kanilang mga daddy ngunit hindi nila ito pinapahalata sa iba lalo na sa kanilang ina.
“I envy those kids with a complete family while us, we don’t have a daddy anymore. Aren’t you getting sad about it, kuya?” malungkot na tanong ni Bri sa kanyang kakambal.
Sumeryoso lamang ang mukha ni Yaj at tinignan ang mga bata kasama ang kanilang daddy.
Bakas sa kulay abo nitong mata ang lungkot ngunit pinipilit niya lamang itong itago sa kapatid.
“I am not because I am already content with what I have now. Mommy is already enough for me so don’t think about that from now on, Bri,” seryosong sagot ni Yaj sa kapatid at tumahimik na lamang si Bri sa kanyang kinatatayuan.
“Oh, bakit nandito pa kayo? Wala pa ba ang sundo niyo?” May lumapit na dalawang bata sa kambal.
Mga classmates nila ito. Sila ang mahilig na manukso sa dalawa.
“Ano ka ba! Hindi ba wala namang daddy ang mga iyan at wala din silang kotse kasi mahirap lang ung mommy nila. Tama ba?” At sabay nilang tinawanan ang magkapatid.
Agad naman na uminit ang ulo ni Yaj habang si Bri naman ay naiiyak na.
“Tsk, that’s not true! Can you stop bullying us, can’t you?” asik ni Yaj sa dalawang bata dahil nauubos na ang pasensya nito sa mga ito.
“Aba! Matapang ka na ngayon ha! Lumalaban ka na? At saka pwede ba tigil-tigilan niyo ang kakaenglish niyo dahil hindi naman kayo mayaman kaya hindi bagay sa inyo. Pwe!” At dinuraan ng isang bata si Yaj at dinuro-duro ang noo nito.
Hindi naman napigilan ni Yaj ang kanyang sarili at agad na tinulak ang bata kaya napaupo ito sa semento.
Sa kasamaang palad ay nakita ng ama ng bata ang pangyayari at agad na nilapitan ang anak.
Hindi naman napansin ng security guard ang pangyayari dahil busy ito sa pag checheck ng mga lumalabas na bata.
“Hoy, bata! Bakit mo itinulak ang anak ko ha? Loko ka ha! Nasaan ang magulang mo?” Sinugod ng ama ng bata si Yaj at napaatras ito dahil sa takot habang si Bri naman ay nakakapit sa laylayan ng uniform ng kanyang kuya at impit na itong umiiyak.
“Siya ang nauna! So you should discipline your child, mister,” matigas na tugon ni Yaj at tinapunan ng matalim na tingin ang matandang lalaki.
“Aba at sumasagot ka pa ha! Bastos kang bata ka!” Agad naman na kinuwelyuhan ng matandang lalaki si Yaj at nahirapan itong huminga dahil nasasakal siya.
“Let him go! Let him go!” Hinahampas naman ni Bri ang matandang lalaki gamit ang kanyang maliit na palad ngunit parang wala lang ito sa lalaki.
“Bitawan mo siya kung ayaw mong pagsisihan ito sa buong buhay mo.” Bigla namang may dumating na misteryosong binata at nakasuot ito ng itim na amerikana.
Matalim siyang tinignan ang lalaki at nabitawan naman nito ang kawawang si Yaj at umubo-ubo ang bata.
Agad naman siyang dinaluhan ng kapatid at pinainom ng tubig mula sa kanyang tumbler.
“At sino ka naman sa akala mo para utusan ako ha? Pasalamat ka naawa rin ako sa batang iyan kung hindi malilintikan siya sa akin dahil sa ginawa niya sa aking anak!” galit na pahayag ng lalaki at lumalabas na ang ugat nito sa leeg dahil sa labis na galit.
“This is my boss’s calling card. Pasensya na sa ginawa ng bata ngunit hindi mo na dapat siya pinatulan pa. Ang mabuti pa ay lumayas na kayo sa paningin ko bago pa magbago ang isip ko at sabihin ko kay boss ang ginawa niyo."
"Sa tingin ko ay hindi mo gugustuhin na masira ang iyong buhay pati na rin ang kinabukasan ng iyong pamilya.” Tinignan ng lalaki ang inabot na calling card ng misteryosong binata at agad na nanlaki ang mata ng lalaki at nanlalamig ang buong katawan nito na animo’y nakakita ng multo.
“Naku! Pasensya na, hindi namin sinasadya ang nangyari. Sorry talaga sir, sige po allis na kami,” agad na hinila ng matandang lalaki ang kanyang anak at ang kaibigan nito palayo sa kinaroroonan ng binata at ang kambal.
“Ayos lang ba kayo mga bata? Sinaktan pa ba kayo ng lalaking iyon? Sana naman ay walang naiwan na galos o pasa sa inyong katawan dahil paniguradong malalagot ako kay boss nito,” nag-aalala na tanong ng lalaki sa magkapatid.
Hindi naman maintindihan ng dalawang bata ang nais ipahiwatig ng lalaki.
“Who are you? And why did you save us?” seryosong tanong ni Yaj sa lalaki.
“Oh, I am your knight and shining armor.” Pabirong sagot lamang ng lalaki at napakunot lamang ang noo ng dalawang bata.
“Really? Thank you so much, our savior. You are so handsome too so I guess your physique can passed as our knight and shining armor,” masiglang tugon naman ni Bri at mukhang magaan ang loob nito sa lalaki.
“Gusto niyo bang sumama sa akin? Ililibre ko kayong ng pagkain. Ano ba ang gusto niyo? Ice cream, cake, pizza, donut, or kahit ano. Name it at bibilhin ko para sa inyo,” alok ng lalaki at agad naman na nagniningning ang kulay abong mata ni Bri samantalang si Yaj naman ay seryoso lamang na nakatitig sa lalaki at mukhang mayroon pa rin itong pagdududa sa lalaking nagligtas sa kanya kanina.
“Yes, I want ice cream! Kuya, can we go with him please?” excited na tugon ni Bri at pinipilit ang kakambal na pumayag sa gusto nito.
“No, we can’t go with him. He’s a stranger and we don’t know him. We need to be careful, Bri. Mommy will get mad and worried about us if we leave here without informing her,” pagtanggi ni Yaj sa kapatid at napanguso lamang si Bri dahil sa sinabi ng kanyang kuya.
“Ako ang bahala, Huwag kayong mag-alala, ipapaalam ko kayo sa security guard. Iiwan ko ang aking contact details para kapag dumating ang mommy nyo dito ay alam niya kung saan kayo hahanapin."
"Gusto ko lang naman kayong ilibre ng pagkain. Ano payag na ba kayo?” Nagkatinginan ang dalawa bata at malalim na nag-isip.
“Kuya, please?” Wala namang nagawa si Yaj at tumango lamang bilang pagsang-ayon.
Ipinaalam ng lalaki ang dalawa sa security guard at nakapagtataka naman na agad na pumawag ito.
Sumakay ang tatlo sa itim na van at agad na pinaharurot ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...