Chapter 25: I Want You
SHANBRI POV
"Good morning sir."
"Good morning Mr. Villamor."
Bati ng mga empleyado kay Kenj habang naglalakad kami papunta sa kanyang office. Ang iba naman ay pinagtitinginan kami at pagkatapos ay magbubulungan paano naman kasi ay sinama ni Kenj ang mga bata sa company ngayon kaya marahil ay nagtataka ang mga empleyado sa kanilang nakikita dahil wala namang nakakaalam na may anak na si Kenj kaya ay paniguradong nagtataka sila ngayon.
Hawak hawak ni Kenj sa magkabilay kamay ang kambal habang ako naman ay nasa likuran nila. Ngayong araw na kami lilipat sa condo ni Kenj at naayos na rin namin ang aming mga gamit kaya lang ay hiniling ng mga bata na pumasyal dito sa company ng kanilang ama kaya naman ay pinagbigyan na sila ni Kenj.
"Wow dad! You have a really huge company so you must be really rich dad," manghang mangha na saad ni Yaj pagka pasok namin ng office ni Kenj. Nagsitakbuhan agad ang dalawa sa loob at iginiya ang kanilang mata sa paligid.
"Yeah, your office is really huge and beautiful too daddy," mangha ring saad ni Bri sa ama habang pinupuri ang office nito.
"HAHAHA, thank you for the compliment my babies so just sit there at the couch and play if you want because daddy will just do his work, is that okay with you my babies?" natatawa na sabi ni Kenj sa mga anak dahil sa inasta ng mga ito.
"Okay daddy, but can we watch a movie in your laptop so that we will not get bored here?" inosenteng tanong naman ni Bri sa kanyang ama.
"No baby, daddy will use his laptop for his work so just use my cell phone instead okay?" pag sasaway ko naman sa kanya dahil gagamitin naman talaga ni Kenj ang kanyang laptop. Wala pa kasing sariling cellphone ang mga bata dahil ayaw ko pa silang bilhan kaya naman ay mga laruan lamang ang kanilang nilalaro dahil hindi rin naman sila mahilig makipaglaro sa ibang bata kaya kadalasan ay silang dalawa lamang ang naglalaro o di kaya naman ay manonood na lamang sila sa TV.
"It's alright babe, they can use my laptop because I can use my PC instead so they can really have my laptop," sabi ni Kenj at kumislap agad ang mga mata ng kambal dahil sa kanilang narinig mula sa kanilang ama. Kinuha naman agad ni Kenj ang kanyang laptop sa kanyang mesa at ibinigay ito sa mga anak pagkatapos ay nagsimula na sa kanyang trabaho.
"Mommy, can we watch barbie right now?" excited na tanong ni Bri sa akin.
"What? I don't like barbie, so let's watch spiderman instead," reklamo naman agad ni Yaj sa kapatid. Hays, heto na nga ba ang sinasabi ko eh hindi lamang sila magkakasundo sa kanilang papanoorin dahil magkaiba sila ng gusto. Hays, napabuntong hininga na lamang ako sa aking mga anak.
"Okay para walang away mag jack n poy na lang kayong dalawa kung sino ang mananalo siya ang masusunod kung ano ang papanoorin," simpleng suhestiyon ko nalang sa kanila at ginawa naman nila ang aking sinabi. Nag jack n poy silang dalawa at panalo si Bri kaya naman ay tuwang tuwa siya samantalang si Yaj naman ay hindi maipinta ang mukha ngayon. Natawa na lamang ako sa aking mga anak at simpleng napa buntong hininga.
"Okay, manonood muna kayo riyan ha. Pupuntahan ko lang ang daddy niyo," simpleng tugon ko sa aking mga anak at napatango na lamang silang dalawa kaya naman ay iniwan ko na sila sa mini sala ni Kenj dito sa kanyang office at pinuntahan ko siya sa kanyang table.
"Kenj, kailangan mo ba ng tulong diyan? Sabihan mo lang ako kung ano ang pwede kong gawin kasi wala naman akong ginagawa eh kesa naman sa mabored ako dito buong araw," tanong ko kay Kenj dahil ang sabi niya ay simula raw ngayong araw ay hindi na dapat ako magtrabaho sa company niya at magfocus na lamang sa pag-aalaga sa aming mga anak. Ayaw ko pang pumayag noong una dahil wala naman akong gagawin sa bahay at gusto ko ring makatulong sa kanya kaya lang ay ayaw niyang magtrabaho pa ako kaya naman ay hinayaan ko na lamang siya sa kanyang gusto.
"I'm okay babe. How's our children? Are they enjoying?" tanong lang ni Kenj at napatango na lamang ako sa kanya nakasuot siya ngayon ng eyeglasses at talaga nga namang napaka gwapo niya.
"Hindi mo ba kailangan ng tulong?" tanong ko ulit sa kanya at nakita ko lamang na napangisi siya dahil sa aking tanong. Bigla naman akong kinabahan dahil sa kanyang inasta.
"You know what I think I can do these works later because you are much important to me so come on," simpleng sagot lamang niya at bigla akong hinila kaya naman ay napaupo na lamang ako sa kanyang hita. Bigla namang bumilis ang tibok ng aking puso at lalo akong kinabahan ng magkadikit ang aming mga katawan.
"K-kenj, anong ginagawa mo bitawan mo nga ako. Alam mo bang nasa office tayo at baka makita tayo ng mga bata," nauutal na pagsaway ko naman sa kanya pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking baywang.
"You really smells good babe but I think you really gained weight but it is okay with me even if you will really get fat," pilyong tugon lamang niya sa akin kaya naman ay uminit bigla ang aking pisngi at pakiramdam ko ay namumula na talaga ako ngayon. Iba talaga ang epekto sa akin ni Kenj lalo na ngayon na nagkabalikan na kami kaya pakiramdam ko ay bago lamang kaming magkarelasyon kahit ang totoo naman ay may mga anak na nga kami. Hays, napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip.
"Ano ba Kenj bitawan mo na nga ako sabi eh," ang tanging nasabi ko na lamang sa kanya pero ang mokong ay mas idikit pa niya ako sa kanyang katawan at biglang bumulong sa aking tenga.
"Babe, I want you right here, right now," simpleng bulong nito sa aking tenga gamit ang kanyang malalim na boses kaya naman ay nanindig talaga ang aking mga balahibo sa aking buong katawan dahil sa kanyang sinabi. Nababaliw na ba siya? Anong ibig niyang sabihin?
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...