CHAPTER 57: FAKE MARRIAGE
SHANBRI POV
“Hi, Shanbri. How are you doing? Can I talk to you?” Hindi ko inaasahan na pupunta dito si Kate.
Oo, si Kate nga ang dumating at hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bahay na tinitirhan namin.
Kung ano man ang pinaplano niya ay masama na agad ang pakiramdam ko sa susunod na mangyayari.
“Ano naman ang pag-uusapan natin, Kate? Kung tungkol pa rin ito sa nangyari sa Cafe ay humihingi na ulit ako ng paumanhin ngunit ayaw ko nang pag-usapan ang bagay na iyon,” matigas na tugon ko.
“Don’t worry, it is not about that. Can you let me in first?” Nag-aalangan naman akong papasukin siya sa bahay dahil hindi ko alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.
Alam ko kung ano ang ugali ni Kate at hindi imposible na mag-umpisa lamang ito ng gulo kapag pinapasok ko siya sa bahay.
“Sino yan, Shan? May bisita ka ba?” Nawala naman ang atensyon ko kay Kate nang biglang lumapit sa pinto si Benedict.
Pakiramdam ko ay bumalik ulit ang kaba ko kanina at hindi ko maiwasan na magkaroon ng takot sa kanya pagkatapos ng nangyari kanina lamang bago dumating si Kate.
“Who is he? Is he your friend, Shanbri?” tanong ni Kate habang nakatingin ng makahulugan kay Benedict.
Kung hindi ako nagkakamali ay ngayon lamang sila nagkita kaya malamang ay hindi pa nila kilala ang isa’t-isa.
“Ah, oo kaibigan ko siya. Kung nais mo talaga akong makausap ay pwede ka nang pumasok dito sa loob ng bahay,” simpleng tugon ko na lamang kay Kate.
Wala na rin akong choice dahil kahit ayaw kong kausapin si Kate ay kailangan ko pa rin siya upang makaiwas kay Benedict.
Baka kasi ay ituloy na naman niya ang kanyang balak sa akin kanina kapag hinayaan ko na umalis si Kate.
Nakakalungkot man na aminin sa aking sarili pero hindi na ako safe sa kamay ni Benedict ngayon dahil nagkaroon na ako ng takot sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sa akin kanina.
“Sige, may bisita ka pala, Shan. Mauuna na ako dahil may gagawin pa pala akong trabaho.”
Bigla namang nagpaalam si Benedict at sa tingin ko ay medyo nahimasmasan na siya dahil kahit papano ay bumalik na iyong dati niyang aura na kalmado lang.
Hindi katulad kanina na parang ibang tao ang kaharap ko at bigla na lamang nagbago ang kanyang pakikitungo sa akin sa isang iglap.
“Ah, s-sige.” Medyo nautal pa ako sa aking sagot. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya pakikitunguhan ngayon pagkatapos ng ginawa niya sa akin.
Siguro kung may paliwanag siya kung bakit niya ginawa iyon at kung hihingi siya ng paumanhin sa kanyang ginawa ay baka sakaling maintindihan ko pa siya.
Matagal na rin kasi ang pinagsamahan namin at alam kong hindi likas na masamang tao si Benedict.
Baka may pinagdadaanan lamang itong problem kaya bigla na lamang nagbago ang kanyang ugali kanina.
“Parang malalim ata ang iniisip mo? Is there something wrong?” Nabalik naman ako sa reyalidad ng mapagtanto na narito pa rin pala si Kate sa bahay.
Muntik ko na siyang makalimutan dahil sa pag-iisip ko kung anong nangyari kay Benedict at bakit niya iyon nagawa sa akin.
“Ah, pasensya na. Wala ito, pwede mo na bang sabihin sa akin kung ano ang dahilan ng biglaan mong pagpunta dito sa bahay namin?” tanong ko na lamang.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
Roman d'amourSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...