CHAPTER 52: SHUT UP
SHANBRI POV
Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng school fair ng mga bata. Malimit na ring bisitahin ni Kenj ang mga anak kahit busy ito sa trabaho.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawang pagsabayin ang kanyang trabaho sa siyudad at pagpunta rito sa malayong probinsya para makita at makasama ang kanyang mga anak.
Ngunit nasisiguro ko na nahihirapan rin siya sa ganitong set-up pero kahit na nakakapagod ay hindi naman niya ito pinapahalata dahil nakukuha pa rin niyang maging pilyo kaya parati akong naiinis dahil sa kanya.
“Hi, good morning! How are you doing?”
Ayan na nga at bigla na namang sumulpot sa aming harapan si Kenj. Nakatayo siya sa harap ng aming pintuan at abot hanggang tenga ang kanyang mga ngiti.
Aakalain mo na wala itong trabaho na kailangang asikasuhin kung kaya’t nagagawa pa nitong gawin ang kanyang gusto.
“What are you doing here again, dad?” matigas na tanong ni Yaj at agad na nawala sa mood ito nang makitang muli ang ama.
Hanggang ngayon nga ay hindi pa nagkaka-ayos ang dalawa ngunit nakikita ko naman kung paano nagbibigay ng effort si Kenj para makuhang muli ang loob ng anak.
“I’m here to drive you to your school. Aren’t you happy to see me, son?” Nakangiting tugon ni Kenj sa anak.
“I am not happy at all. In fact, I think my day is already ruined just by seeing you here.”
Agad ko namang sinuway si Yaj sa pagsagot niya ng pabalang sa ama. Alam kong may tampo pa rin siya rito ngunit hindi niya dapat na makalimutan ang pag-galang rito.
“Me, I’m happy to see you again, daddy!” Si Bri naman ngayon ang nagsalita at agad na tumakbo sa kanyang ama.
Agad naman itong binuhat ni Kenj at hinalikan sa pisngi at tuktok ng ulo nito. Kahit lumalaki na si Bri ay hindi pa rin ito nagbabago.
Isa pa rin siyang clingy at malambing na bata sa kanyang mga magulang.
“Thank you, princess. Daddy is so happy to see you again too. So, have you had your breakfast already? Shall we eat at your favorite fast food chain first before going to school?”
Ako naman ang binalingan ni Kenj sa kanyang tanong ngunit agad na lamang akong napa-iling bilang pagtanggi sa kanyang alok.
“Huwag na, kumain na kami at baka ma-late pa ang mga bata sa kanilang klase. Kung hindi ka pa kumakain ay pwede ka namang dumaan sa drive-thru o di kaya ay kumain ka na lang pagka hatid mo sa amin,” sagot ko naman sa kanya.
“Oh, is that so? Alright then, let’s go to our children’s school,” sagot na lamang ni Kenj.
Nauna naman siyang lumabas at pumunta sa kanyang kotse habang karga pa rin niya si Bri.
Hawak ko naman sa kanyang kamay si Yaj at wala itong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang at sumakay sa kotse ng kanyang ama kahit obvious naman na labag ito sa kanyang kalooban.
“Okay, come here, kids. Here is your pocket money. Make sure to study hard and don’t be a headache to your teacher, okay?”
Bigla na lang binigyan ni Kenj ang dalawang bata ng tig-isang libo. Agad naman na lumaki ang aking mata at binawi ito sa mga bata at pagkatapos ay binalik ko kay Kenj.
“What’s wrong, Shanbri? Why are you getting the money from our kids?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
“Hindi mo dapat sinasanay ang mga bata na humawak ng malaking pera, Kenj. At isa pa, kumpleto naman na ang baon nila na snack at packed lunch. Ayos na sa kanila ang mga iyon,” masungit na tugon ko naman sa kanya.
“Why? It’s better for them to be familiarized with bills. When they grow up, they will handle much more bigger amounts than that,” hindi makapaniwalang sagot naman niya at ayaw pa niyang tanggaping muli ang pera na binigay niya.
“Kapag sinabi kong hindi pwede ay hindi pwede. Huwag ka na lang magpumilit pa, Kenj. Oh sige na kids, pumasok na kayo sa kwarto niya at huwag kalimutan na magpakabait, okay?”
Binalingan ko ang aking mga anak at isa-isa ko silang hinalikan sa noo bago sila tuluyang pumasok sa kanilang klase.
Tinaasan ko na lamang ng kilay si Kenj dahil mukhang gusto pa rin nitong umangal. Ngunit ako na lamang ang kusang naglagay ng pera sa kanyang bulsa dahil hindi naman talaga namin kailangan ng pera niya sa totoo lang.
“I am glad that I am not seeing your friend around everytime I go to your place to visit you. Are you not in touch with him anymore?”
Napakunot naman ang aking noo sa biglaang tanong ni Kenj. Papunta kami ngayon Cafe na pinagtatrabahuan ko.
Ito na ang naging routine namin sa tuwing bumibisita dito sa Kenj at may pasok ang mga bata sa eskwela at ako naman ay may pasok rin sa aking trabaho.
“Huh? Sinong friend ba ang tinutukoy mo? Si Trish ba?” confused na tanong ko sa kanya.
“No, I am talking about your guy friend. The one who owns the rest house that you resides at the moment. The one who has admiration for you,” matigas na tugon nito at bigla na lang sumeryoso ang mukha niya habang nagmamaneho at diretso lang ang kanyang tingin sa daan.
“Ah, si Benedict ba? Nasa isang outreach program siya ngayon bilang isang volunteer doctor at ang sabi niya ay isang buwan daw siyang mamamalagi doon. Bakit mo naman natanong?” inosenteng sagot ko sa kanya pero parang may nasabi ata akong masama dahil biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya at magkasalubong na ang kilay nito ngayon.
“Who else, Shanbri? And also, I am not interested in what he does in life. I just mentioned him and that’s all. However, your face immediately lit up the moment you said his name,” matigas nitong sagot habang humahaba ang nguso nito.
“Dahil tinanong mo ang tungkol sa kanya ay sinagot ko lang naman. Bakit parang galit ka pa ata sa akin eh wala naman akong ginagawang masama dito,” depensa ko sa sarili.
“I am not mad, I am just saying what is on my mind. But, can you be honest with me now, Shanbri? Do you like your friend, huh?”
Medyo nabigla naman ako sa kanyang tanong at hindi ko talaga ito inaasahan mula sa kanya. Alam kong dati pa lang ay pinag-aawayan na namin ang tungkol kay Benedict pero ang akala ko ay iba na ang sitwasyon namin ngayon.
“Bakit mo ba tinatanong? Nagseselos ka ba huh? What if sabihin ko sayo na nagustuhan ko na si Benedict dahil sa lahat ng efforts niya sa akin at sa kambal?”
Muntik naman akong mapasubsob dahil sa biglang pag preno ng kanyang sasakyan.
“Ano ba, Kenj! Bakit bigla ka na lang tumitigil sa gitna ng daan?” Galit na sigaw ko sa kanya.
Napansin ko naman na narito na pala kami sa parking lot ng Cafe kung saan ako nagtatrabaho. Hindi ko na napansin na nakarating na pala kami dahil sa kanyang mga tanong sa akin.
“Why are you so proud of speaking about him? So, you ended up liking him huh?” sarkastiko nitong tugon sa akin at suminghal.
“Kung may gusto man ako sa kanya, wala ka nang pakialam doon, Kenj. Bakit ka ba nagagalit? Nagseselos ka ba kay Benedict?” Medyo mapang-asar na tanong ko sa kanya.
“I am not jealous of that *ssh*le. I am just asking about it and that’s it,” matigas at seryoso nitong sagot sa akin.
“Bakit ba masyado kang defensive, Kenj? Baka nakakalimutan mo na may asawa ka na ngayon at hindi mo na ako pagmamay-ari.”
Bigla naman akong nalungkot sa sarili kong sinabi ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.
“Shut up or I’ll shut your mouth using my own way?”
Agad naman akong kinabahan dahil sa kanyang sinabi at kung paano nito titigan ng malalim ang aking mga labi.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...