Chapter 16: Meeting The Twins
Inuwi na raw ni Benedict ang mga anak ko sabi ni sir Josh tinanong niya raw ang pangalan nito. Tama nga ang hinala ko na si Benedict nga ang nagdala sa mga bata sa company.
Kami naman ni Kenj ay papunta na ng bahay namin. Ngayon ko na siya ipapakilala sa mga anak ko. Sigurado akong matutuwa ang mga bata dahil matagal na nilang hinahanap ang kanilang ama.
Kasalukuyan kaming nakasakay ni Kenj sa kanyang kotse. Medyo naiilang lang ako kasi magkahawak kami ng kamay ngayon.
Hindi pa naman namin napag-uusapan kung kami na ulit basta sinabi ko lang sa kanya na siya ang ama ng mga anak ko pero hindi ibig sabihin nun ay nagkabalikan na kami.
Hindi na rin namin siguro maibabalik pa ang dati sa dami ng nangyari sa aming dalawa ng hindi kami magkasama.
Napabuntong hininga na lamang ako at bigla namang magsalita si Kenj.
"Ano ang pangalan ng mga anak natin?" tanong niya bigla.
"Ah, iyong lalaki ay Yaji Michael..." Bahagya akong napahinto.
"Why you named him that?" curious naman na tanong niya ulit.
"Kinuha ko sa pangalan mo," nahihiyang pag-amin ko sa kanya. Kenji Yael ang pangalan ni Kenj.
"Cool. Mabuti naman at naalala mo pa pala ako noong pinangalanan mo ang anak natin." May bahid ng kalungkutan sa kanyang boses.
Syempre naman hindi naman talaga kita nakalimutan. Iyan sana ang nais kong isagot sa kanya.
"How about our princess?" Pagtukoy niya sa aming anak na babae.
"Brianna Marie ang pangalan niya kinuha ko naman sa pangalan ko." Shan Hybri kasi ang pangalan ko.
"It's nice. Sayang lamang at wala ako noong pinangalanan mo sila. Hindi bale sa next baby natin sisiguraduhin kong kasama mo na ako sa pagpili ng pangalan." Napangiti naman siya sa kanyang tinuran.
Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya at hindi nakasagot.
"Babe, I want them to become a Villamor." Sumeryoso naman ang boses niya.
"Ah Kenj, huwag muna natin pag-usapan iyan. Ang importante ay makilala ka na nila." sagot ko sa kanya. Ayaw ko munang isipin niya ang pagpapalit ng apelyido ng mga bata mas mabuting kilalanin niya muna ang mga ito.
"Alright," tipid nitong sagot at bahagyang pinisil ang aking kamay na hawak niya.
"Kenj kailan ka pala babalik ng Maynila?" Pag iiba ko ng usapan. Medyo matagal narin siya rito at sigurado akong kailangan na siya sa kanyang main company.
"I will stay here for awhile. Naroon naman si Fred, my assistant matagal na siya sa akin at mapagkakatiwalaan ko siya. Besides naroon rin si dad tinutulungan pa rin naman niya ako sa pamamalakad ng company," mahaba nitong paliwanag sa akin.
"Ahh, kamusta pala ang parents mo?" tanong ko sa kanya. Nag-iisang anak lang si Kenj pareho kami. Kamusta na kaya ang mama niya baka magalit ulit ito kapag nalaman niyang nagkita na ulit kami ng anak niya.
"They're fine," tipid na sagot niya sa akin. Mukang ayaw niyang pag-usapan namin ang parents niya. Dati palang ay ganito na si Kenj. Hindi namin napag uusapan ang parents niya kaya wala rin akong masyadong alam sa mga ito.
"Do you think they'll like it?" Pagtukoy niya sa mga pasalubong na dala namin.
Tinanong niya ako kanina kung ano raw ang mga gusto ng mga bata. Sinabi ko naman sa kanya. Bumili siya ng donuts, pizza, at Mcdo. Marami na nga ito para sa amin. Gusto niya pang dagdagan kanina pero pinigilan ko na siya.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomansSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...