CHAPTER 55: TEMPTATION
THIRD PERSON POV
Hindi na nga napigilan ng dalawa ang kanilang mga damdamin at pinagsaluhan ang mainit na halik ng bawat isa.
Para silang nasa ibabaw ng ulap at kapwa walang pakialam kung ano man ang kahihinatnan ng kanilang kapusukan.
Basta ang alam lang nila ay pareho silang labis na nangulila sa halik ng isa’t-isa at kahit ang pigil nila sa kanilang mga sarili ay nanaig pa rin ang sinisigaw ng kanilang mga puso.
“Damn, you don’t know how I missed your kiss, babe. I missed everything about you. How I wish that we can come back to what we used to have.”
Mababakas mo ang sinseridad na may halong kalungkutan sa mga binitawang salita ni Kenji Yael pagkatapos nitong pakawalan ang labi ng babaeng kanyang sinisinta.
Halata mo ang labis na pananabik niya sa mga halik ni Shanbri ngunit kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili dahil alam niya ang maaaring kapalit kapag ipinagpatuloy nila ito.
“Kenj, mali ito. Hindi dapat natin ito ginagawa. Kasal ka na kay Kate kaya kahit saang anggulo pa natin tignan, ang ginagawa natin ngayon ay pagtataksil sa iyong asawa,” malungkot at walang pag-asa na tugon ni Shanbri sa kanyang minamahal.
“I know that, babe. Don’t worry, I know God is good to us. I will try to find a way to get out of this situation. Just take care of our children and let me handle this.”
Muling ginawaran ni Kenji Yael ng mabilis na halik sa labi si Shanbri na nagpa kalma sa kanyang kalooban.
Alam nilang pareho ang mga bagay na maaari nilang kaharapin kapag nagpatalo sila sa tukso kaya naman ay kailangan nilang pigilan ang kanilang mga puso sa ayaw at sa gusto nila.
Pagkatapos nga ng pangyayaring iyon ay nakabalik na sa Manila sina Kenji Yael at Kate. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Kate sa kanyang asawa at hindi niya kinakausap ito.
Nais naman ni Kenji Yael na makausap ng masinsinan si Kate dahil gusto niyang maging malinaw sa kanya ang lahat.
Hindi lingid sa kaalaman ni Kate na napilitan lamang si Kenji Yael na pakasalan siya upang mabawi niya ang kanilang kumpanya mula sa ama ni Kate.
“Kate, please can we talk? You need to hear me out. Stop being so stubborn, will you?” Para nang nagmamakaawa si Keni Yael na pakinggan siya ng kanyang asawa.
Agad naman na naramdaman ni Kate na mayroong kakaiba sa kinikilos ng asawa. Iniisip niya na marahil may gustong sabihin sa kanya si Kenji Yael ngunit sigurado naman na hindi niya ito magugustuhan.
“What do you want to talk about, Yael? If it is about your mistress then I am out of it. I am not interested in talking about her,” matigas na sagot ni Kate.
Alam niya na kailanman ay hindi niya mahihigitan si Shanbri sa patingin ni Keni Yael kaya parati lamang itong umiiwas sa tuwing napag-uusapan ang kairabal niyang babae sa puso ng kanyang asawa.
“She’s not my mistress and she will never be. I am sure you clearly know what I mean, Kate,” seryoso at may awtoridad na sagot naman ni Keni Yael.
Hindi agad nakasagot si Kate dahil mas malinaw pa sa tubig na naiintindihan niya ang nais na ipahiwatig ng asawa.
Ngunit nais pa rin magpatigas ni Kate at umaktong walang alam at manatiling bulag-bulagan dahil sa labis na pagmamahal sa asawa kaya parang sa isang malaking delusion lamang siya kumakapit.
“I still don’t feel very well, Yael. Can you let me rest and recuperate before you discuss unnecessary things with me, please?” May pagka-bugnot na tugon ni Kate.
Sa tutuusin ay wala naman talagang masakit sa kanya dahil umarte lang siyang sinaktan siya ni Shanbri upang magalit dito si Kenji Yael.
Ngunit nabigo pa rin siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi kayang magalit ni Kenji Yael sa kanyang pinakamamahal at iyon ay walang iba kung hindi si Shanbri lamang.
“Please, I can’t do this anymore. I can’t force myself to be with you. Can you help us get away with this?”
Kahit nagmumukha nang desperado si Kenji Yael ay disidido na ito na gumawa ng paraan upang magkabalikan sila ni Shanbri at ang tanging tulay lamang para mangyari iyon ay ang babaeng kanyang pinakasalan – si Kate.
“What do you want me to do, Yael? Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko para lang maisalba ang relasyon natin kung matatawag nga ba itong relasyon?” Ang tanging naisagot na lamang ni Kate.
Bakas sa kanyang mukha ang pagod at kalungkutan ngunit pilit niya lamang itinatago ito sa matapang at maarte niyang pakikitungo sa mga tao.
“Please, Kate. Aren’t you tired? Because I am! I am so tired with this sh*t! I just want to be free.”
Ano mang pagpapakaawa ni Kenji Yael ay mukhang sarado pa rin ang isipan ng kanyang asawa. Ngunit mababatid mo sa mga mata ni Kate ang totoo niyang nararamdaman.
“What do you think, Yael? If you are tired then how about me? Do you think I am happy with this setup, huh? Yes, you are with me physically but your heart and soul was left somewhere else,” mapait na tugon ni Kate.
Buong panahon na nagsama sila ni Kenji Yael bilang mag-asawa ay hindi man lang niya nakita na masaya ito sa kanyang piling.
Palagi na lamang nitong nilalaan ang lahat ng kanyang oras sa kanyang trabaho at kumpanya kaya naman ay wala na siyang oras at atensyon na maibigay kay Kate.
“I’m sorry, Kate. Alam ko lahat ng pagkukulang ko sayo bilang asawa pero hindi ko rin alam kung paano natin ito maaayos. I am sure na pareho lamang tayong masasaktan kapag ipinagpatuloy pa natin ito.”
Masakit man para kay Kate na marinig ito mula sa asawa ay alam naman ni Kenji Yael na ito lamang ang natitirang paraan upang mapagtanto ni Kate na hindi talaga sila para sa isa’t-isa.
Ano man ang gawin nito ay hinding-hindi niya maaangkin ng buo si Kenji Yael kahit sila pa ay masasabing kasal na.
“Ano ba ang dapat kong gawin para ako na lang ang mahalin mo? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na binubuhos ko para sayo? Bakit kailangan mo pang maghanap ng iba, Yael?”
Hindi na napigilan ni Kate ang kanyang sarili at bumuhos na ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan.
Kahit maraming nagsasabi na masama ang kanyang ugali ay tao pa rin aiya at nakakaramdam rin ng sakit.
Matagal na siyang nagtitiis sa pakikitungo sa kanya ni Kenji Yael ngunit wala itong magawa.
Patuloy lamang siyang nagpa bulag sa kanyang pagmamahal dito na hindi na niya iniisip ang sariling kapakanan.
“Please don’t cry, Kate. I don’t want you to make it so hard for me. Just let go and accept it.” Agad naman na dinaluhan ni Kenji Yael ang umiiyak na asawa at niyakap ito ng mahigpit.
Malalim na rin ang kanilang pinagsamahan kaya mahalaga rin si Kate kay Kenji Yael ngunit hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya rito.
Hindi nito kayang suklian ang pagmamahal na binibigay ni Kate sa kanya ngunit ganun pa man ay ayaw pa rin ni Kenji Yael na saktan si Kate dahil na rin sa kanilang pinagsamahan.
“I love you so much, Yael. Sa sobrang pagmamahal ko sayo ay hindi ko na kayang isipin pa ang sarili ko.”
“Lagi mong tatandaan na lahat ay gagawin ko para lang maging masaya ka. Ganun kita kamahal, Yael.”
Humigpit na lamang ang yakap nila sa isa’t-isa at hinaplos ni Kenji Yael ang pisngi ni Kate.
Dinampian niya ng halik ang tuktok ng ulo nito hanggang sa tumahan ito sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...