Chapter 8: Asawa
Huminga ako ng malalim at sinagot ang mga anak ko.
"Hindi ba ang sabi ko sa inyo ay nasa malayo na ang daddy niyo. Hindi na siya babalik sa atin kaya ang mabuti pa ay kalimutan niyo na lamang siya," pag-aalo ko sa kanila.
Hindi na pwedeng makita pa nila ang kanilang ama dahil may pamilya na ito. Ayaw ko namang maging anak sa labas ang mga anak ko. Kaya hangga't maaari ay iiiwas ko sila sa kanilang ama.
"No mom, you're always like that. Why don't you tell us mom? Where is our father? What is his name?" tanong ni Yaj at mukhang maiiyak narin.
Hindi iyakin si Yaj. Kadalasan ay tahimik lamang ito pero hindi siya ganun ngayon mukang nasaktan talaga siya sa sinabi ng mga kalaro.
Si Bri naman ay patuloy pa rin ang pag-iyak habang yakap yakap ko siya.
Narinig kami nila mama at papa at agad kaming nilapitan.
"Hala anong nangyari dito at umiiyak ang apo ko?" tanong ni mama.
Nagtataka man ito ay agad niyang kinuha sa akin si Bri at pinatahan.
Tinanguhan ko na lamang si papa at sinabing kami na ang bahala sa mga bata kaya ipinagpatuloy na nito ang ginagawa sa kusina. Mukang naghahanda na sila ng hapunan.
Lumuhod ako at hinawakan ang pisngi ni Yaj.
"Baby huwag mo ng hanapin pa ang daddy mo hindi ba't narito naman si mommy masaya naman tayo kahit wala si daddy diba?" malambing na pag-aalo ko sa aking anak."But mom-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at baka humaba pa ito at maubusan na ako ng isasagot sa kanya.
"No buts baby. Sige na maghugas ka na ng kamay at malapit na tayong mag hapunan" ma-awtoridad na sabi ko kay Yaj.
Wala naman siyang nagawa at padabog na tumungo sa kusina.
Napabuntong hininga na lamang ako sa kanyang inasta.
Sunod ko namang binalingan si Bri. "Ma, ako na pong bahala." At kinuha ko si Bri kay mama.
Tumango naman si mama at nagtungo narin ng kusina.
"Baby tahan na. Mommy is here okay," pagpapatahan ko kay Bri at hinaplos haplos ang kanyang likod.
Tumigil naman siya sa pag-iyak. Inayos ko na ang buhok niya at pinunasan ang kanyang basang pisngi sa pag-iyak.
"Mommy..." mahinang bulong niya. Napabuntong hininga ulit ako at nagtungo narin sa kusina.
___
Nakahiga na ang mga anak ko at mahimbing na natutulog sa aking tabi. Pinagitnaan nila ako at pareho silang nakayakap sa baywang ko.
Pinagmasdan ko naman sila. Kamukhang kamukha talaga nila ang kanilang ama.
Pinatakan ko ng halik ang kanilang noo at inayos ang kumot.
Patawarin niyo ako mga anak pero kailangan ko kayong ilayo sa inyong ama. Ayaw ko kayong masaktan sapat na sa akin na ako lamang ang nasasaktan sa sitwasyon namin ngayon.
Abot kamay ko na ang inyong ama ngunit wala naman akong magawa dahil may pamilya na siya at ayaw ko nang makisawsaw.
Ayaw kong humantong sa puntong kailangan niyang mamili sa amin ng tunay niyang pamilya dahil sigurado akong kami lamang ang masasaktan.
Kaya hindi sila pwedeng magkita ng mga anak ko.
Kumirot ang puso ko pero wala akong magawa.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko at agad agad ko itong sinagot dahil baka magising ang kambal.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
Любовные романыSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...