CHAPTER 56

410 4 0
                                    

CHAPTER 56: UNEXPECTED SAVIOR

SHANBRI POV

Day off ko ngayon kaya naman ay pagkatapos kong ihatid ang mga bata sa kanilang eskwelahan ay napag desisyunan kong maglinis muna dito sa bahay.

Medyo mabigat ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw lalo na sa pagitan namin ni Kenj.

Nagpapasalamat rin ako dahil pagkatapos ng nangyari sa amin nung isang araw ay hindi pa ulit siya bumisita sa amin dito sa bahay.

Marahil ay busy na ito sa kanyang trabaho sa Maynila at sa tingin ko ay kailangan rin nitong bumawi sa kanyang asawa dahil nga sa nangyari sa Cafe nitong nakaraan.

Mabuti nga at binigyan ako ng dalawang araw na day off sa trabaho kaya mayroon akong dahilan para makaiwas sa mga kasamahan ko sa Cafe.

Nakakahiya kasi ang mga nangyari dahil na rin sa akin kaya wala pa akong lakas ng loob para sagutin ang kanilang mga tanong.

“Shan! Long time no see!”

Kukunin ko na sana ang mga gamit na panglinis sa bahay ngunit nabigla ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at nakita ko si Benedict na may malaking ngiti sa kanyang mukha.

“Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo. Pasensya nga pala kung hindi na ako kumatok. Naexcite kasi akong makita ka at nais ko na rin sana na surpresahin ka sa aking pagdating.”

Agad naman na nagpaliwanag ito ngunit parang wala pa rin ako sa sarili dahil masyado akong preoccupied sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw.

“Anong ginagawa mo dito, Ben? Hindi ba dapat ay nasa outreach program ka pa rin hanggang ngayon?” May pagtataka na tanong ko agad sa kanya.

Sa pagkakatanda ko ay ang sabi niya sa akin ay isang buwan daw ang itatagal ng outreach program the dinaluhan niya bilang isang volunteer doctor.

Kung hindi ako nagkakamali ay wala pang isang buwan ang lumipas mula nang siya ay umalis papunta sa outreach program.

“Bakit parang ayaw mo ata akong makita dito, Shan? Hindi ka ba masaya na makita akong muli?”

Medyo sumimangot siya ng tanungin niya ako ngunit agad ko naman itong pinabulaanan.

May pag-aalala na sumagot ako, “Hindi ganun ang ibig kong sabihin, Ben. Nabigla lamang ako na narito ka na agad sa aking harapan. Pasensya na kung medyo na misinterpret mo ang nais kong ipahiwatig,” paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

“Hahaha! Nagbibiro lang ako, Shan. Masyado ka naman atang seryoso. Ang totoo niyan ay namiss lang talaga kita pati ang kambal kaya humingi muna ako ng ilang araw na day off pagkatapos ay kailangan kong bumalik sa outreach program,” simple paliwanag niya.

“Ah, ganun ba. Mabuti naman at pinayagan ka nila na magkaroon ng day off. Panigurado ay matutuwa ang kambal lalo na si Bri kapag nalaman niya na narito ka na,” nakangiting sagot ko naman.

“Sana nga dahil may pasalubong akong souvenir para sa mga bata. Kaya lang ay sa tingin ko na si Bri lamang ang matutuwa dahil sigurado na hindi naman ito tatanggapin ni Yaj.” Bigla namang lumungkot ang mukha niya ng mabanggit niya ang pangalan ni Yaj.

Simula’t sapul pa lamang kasi ay hindi pa nagpapakita ng kinagigiliwan ang aking anak na lalaki kay Ben.

Hindi niya kasi ito gusto para sa akin noon pa man at mas lalo pa atang naging bugnutin ang anak ko na yun dahil maging ang kanyang sariling ama ay sinusungitan niya na rin.

“Huwag kang mag-alala. Tatanggapin iyan ng kambal. Salamat pala dahil iniisip mo pa rin kami kahit na nasa trabaho ka,” sincero kong tugon habang nakangiti.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon