CHAPTER 38

955 8 0
                                    

CHAPTER 38: SUDDEN CONFESSION

SHANBRI POV

AT THE RESTAURANT

“Good morning, ma’am/sir. Welcome to our restaurant. Do you have any reservation for today?” Agad kaming binati ng isang staff dito sa restaurant pagpasok namin sa loob.

Inilibot ko ang aking mata sa loob ng restaurant at masasabi kong isa itong mamahalin na restaurant dahil sa kanilang mga kagamitan na halos lahat ay gold at silver.

Maganda at tahimik rin ang ambiance dito at ang napansin ko ay parang kaunti lamang ang mga tao na kumakain dito ngayong araw pero halata mong lahat sila ay may sinasabi sa buhay.

Hawak ko sa magkabilang kamay ang aking mga anak at mukhang pati sila ay manghang-mangha dito sa restaurant kung saan kami kakain ng lunch.

Bigla akong tinubuan ng hiya kay Benedict dahil panigurado na malaki ang magiging bill namin mamaya at sa kasamaang palad ay wala akong dalang malaking halaga dahil nagtitipid ako at kaunti na lamang ang aking ipon para sa gastusin naming mag-iina.

Sa tingin ko nga ay kailangan ko ng maghanap ng part time job para kahit papaano ay may kinikita ako.

Nahihiya na rin kasi ako kay Benedict at Trish dahil sila palagi ang nagbibigay sa amin ng pera para matustusan ang aming mga pangangailangan.

Silang dalawa rin ang nagsusupply sa amin ng groceries kaya malaki na talaga ang utang na loob ko sa dalawa.

Sabi ko nga ay babayaran ko sila kapag nakaluwag-luwag na ako pero palagi nilang sinasabi na huwag ko nalang isipin iyon dahil ang importante ay natutulungan nila kami sa aming mga pangangailan sa araw-araw.

“Good morning. Yes, we have reservation for today. For Dr. Benedict Buenavista, please?” sagot naman ni Benedict sa staff at agad nitong tiningnan ang kanyang check list.

“Alright, this way please,” simpleng tugon ng restaurant staff at tahimik lamang namin siyang sinundan hanggang mapunta kami sa isang malawak na kwarto na may long table sa gitna.

Sa tingin ko ay isa itong VVIP room. Mukhang pinaghandaan talaga ni Benedict ang araw na ito at mukhang willing rin ata siyang gumastos ng malaki.

Napa buntong hininga na lamang ako sa aking naisip.

“Please have a seat, we will serve the food right away. Thank you, I’ll take my leave now,” paalam ng staff at kami naman ay umupo na sa aming pwesto.

“Wow! The table is so long and this place really looks so expensive. I am so excited to eat my food!” bibong komento ni Bri habang pumapalakpak pa.

Katabi niya ang kanyang kambal ngunit tahimik lamang si Yaj at pantay ang kilay nito.

Marahil ay hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari ngayon.

Sa umpisa pa lang ay hindi na talaga malapit si Yaj kay Benedict dahil ayaw niya dito lalo na nung nalaman niya na gusto nitong manligaw sa akin dati.

Maya-maya pa ay isa-isang inihain sa aming mesa ang mga pagkain.

Sa unang tingin pa lamang ay nakakatakam na ang mga ito at alam mong hindi pangkaraniwan na putahe.

Hindi ko nga alam ang pangalan ng mga pagkain na ito dahil karamihan dito ay ngayon ko lamang nakita.

Napailing na lamang ako sa aking naisip.

“Wow! So many foods and it all looks delicious! Can we start eating now?” excited na tanong ni Bri habang nagniningning ang kulay abo nitong mata sa dami ng mga pagkain na nakahain sa aming mesa ngayon.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon