CHAPTER 24

382 2 0
                                    

Chapter 24: Together Again

SHANBRI POV

"Daddy I really missed you a lot. I thought you are not coming back here anymore," sabi ni Bri sa kanyang ama habang nakayakap ito sa kanyang baywang.

Narito na kami ngayon sa aming kwarto at nakahiga na kami sa kama. Kahit masikip lamang ang aming kama at nagsisiksikan na kaming apat ay hindi ito alintana ng aking mag aama. Masaya silang nagkukwentuhan habang ako naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila. Kahit hindi na ako napapansin ng mga anak ko dahil kanina pa sila nakafocus sa kanilang ama ay hindi ko parin maiwasan ang mapangiti dahil buo na naman ang aming pamilya.

Sana ay ganito nalang kami palagi ngunit may girlfriend na si Kenj at ayaw kong manghimasok sa kanila. Sapat na sa akin na ginagampanan niya pa rin ang kanyang responsibilidad sa mga anak kahit hindi na kami magkabalikan ay ayos lang sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip.

"Of Course not my princess. I am just busy with my work at Manila that is why I just came back here today and I am sorry for that baby. Don't worry I will make it up to you and I promise that I will contact you everyday when I have to go back again in Manila," sagot naman ni Kenj sa anak. Napangiti naman si Bri sa tinuran ng kanyang ama. Halata mo sa kanyang kulay abong mga mata ang labis na kasiyahan nito dahil sa pagbabalik ng kanilang ama.

"Yehey! That's a promise daddy ha?" tanong ulit ni Bri sa ama at tinanguhan na lamang niya ito pagkatapos ay pinudpod ng maraming halik sa pisngi.

"Daddy can we go to school already because we really want to study besides we are both big boy and big girl now. Daddy please?" tanong naman ni Yaj sa ama habang nakanguso pa ito. Napatingin naman sa akin si Kenj na parang humihingi ng permiso sa akin kaya naman ay napabuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Alright babies we will enroll you next school year is that okay with the both of you?" tanong ko sa aking mga anak at umaliwalas agad ang kanilang mga mukha sa aking sinabi. Agad silang pumunta sa akin at niyakap ang aking leeg. Napangiti na lamang ako sa inasta ng aking mga anak.

"Yey, thank you mommy I love you!" sabi ni Bri at hinalikan ang aking pisngi.

"Thanks mom, you are really the best mom in the world," pambobola naman ni Yaj sa akin kaya naman ay kinurot ko na lamang ang kanyang pisngi at hinalikan dito.

"Thanks babe because you agreed to our kids. Don't worry I will handle all the papers for their enrollment. Leave it to their daddy babe," sabi ni Kenj sa akin at ngumisi ng nakakaloko kaya naman ay pinandilatan ko na lamang siya ng mata.

"Okay kids it's time to sleep now. Say goodnight to your daddy because we need to go to work early tomorrow and for you my babies you have to sleep early is that okay to you?" sabi ko sa aking mga anak at napanguso na lamang silang dalawa sa akin. Mukhang ayaw pa nilang matulog pero hindi sila pwedeng mag puyat dahil mga bata pa sila kaya kailangan nilang matulog ng maaga.

"Your mom is right my babies you really need to sleep so that we can have an alone time together HAHAHA," sabi naman ni Kenj habang tumatawa kaya naman ay hinampas ko na lamang siya sa kanyang kalokohan. Kahit kailan talaga loko loko siya.

"Okay daddy goodnight. Goodnight too mommy," sabi ni Bri at hinalikan kami pareho sa pisngi.

"Tsk, fine I will sleep too. Goodnight mom and dad," sabi naman ni Yaj at halata mong napipilitan lamang siya sa kanyang sinabi.

"Don't worry my baby boy we will still have plenty of time to bond so huwag ka nang magtampo sa mommy mo okay?" sabi ni Kenj sa anak at napabuntong hininga na lamang si Yaj bago kami hinalikan pareho sa pisngi.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon