Chapter 12: Truth
Natulala ako sa aking nalaman. Kung ganun ay ito ang gustong pag-usapan namin ni Kenj.
Hindi na kasi kami nakapag-usap kinaumagahan sa condo niya dahil umalis ako kaagad pagkatapos ko siyang ipagluto ng breakfast niya.
Iniwan ko ulit siya doon at hindi man lang siya hinintay magising.
Marahil ay gusto niyang magpaliwanag sa akin pero hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon.
All this time ang nasa isip ko ay kasal na siya at marahil ay may anak na rin sa kanyang kababata. Iyon ang sabi sa akin ng mama niya na engaged na raw siya kaya ko siya iniwan dahil inisip kong panggulo lamang ako sa kanya.
Pero paano naman kung nagsisinungaling lang si sir Josh at pinagtatakpan niya lang ang kaibigan niya.
"Okay ka lang Shan?" Nabalik ako sa realidad nang tanungin ako ni sir Josh.
"Ah oo, sige mauna na ako pupuntahan ko na mga anak ko," paalam ko kay sir .
Naguguluhan na ako sa nangyayari hindi ko na alam kung ano talaga ang totoo.
"Ah ganun ba, sige." At agad ko na siyang iniwan at hinanap si Trish at ang mga anak ko.
Wala na sila sa ice cream stall kaya hinanap ko nalang sila sa toy store baka andoon na sila dahil siguradong magpapabili ng laruan iyong dalawa.
Nagtungo akong toy store at hindi naman ako nagkamali dahil namataan ko agad sila sa mga laruang panlalaki.
"Ninang I want that airplane." Dinig kong sabi ni Yaj noong nakalapit na ako sa kanila.
"Mahal iyan Yaj." Ako na ang sumagot sa kanya at agad naman silang napatingin sa akin.
"Mommy!" "Bessy!" sabay sabay nilang sigaw napailing nalang ako parang isang taon kaming hindi nagkita e.
"Ano bessy kamusta pag-uusap niyo ni pogi?" agad na tanong ni Trish at tinaasan ako ng kilay.
"Mamaya nalang natin pag-usapan Trish." At pinandilatan ko siya ng mata. Baka marinig pa ng mga bata.
Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin at tinanguhan nalang ako.
Binalingan ko naman si Yaj dahil titig na titig pa rin ito sa laruang eroplano. May kalakihan ito kaya nakasisiguro akong mahal ang presyo nito.
"Next time na lang natin bilhin yan baby. Mag iipon pa si mommy," pagkukumbinsi ko sa kanya.
"Ano ka ba! Ako ng bahala! Ninang ganda will buy that for you baby hihihihihi," pagpipresenta ni Trish.
Kung hindi ko pa nasabi ay may kaya itong si Trish. May sariling negosyo ang pamilya niya pero ayon sa kanya ay ipapaubaya na lang daw niya sa kuya niya iyon kaya nagtatrabaho na lang siya sa isang company para raw maging independent siya. Hindi ko narin naman siya tinatanong tungkol dito.
Agad naman akong tumanggi. "Hindi na kailangan Trish ako nalang ang bibili pero hindi pa ngayon." At umiling ako sa kanya.
Ayaw ko namang ipasa sa kanya ang responsibilidad ko.
"Okay lang noh. Binilhan ko na rin naman si Bri ng barbie doll kaya dapat bilhan ko rin si Yaj," pagpipilit niya sa akin.
Napatingin naman ako sa hawak ni Bri at totoo nga binilhan na nga niya ito ng barbie doll.
"Saka nalang bes ako na ang bahala," pagtanggi ko pa rin.
"Per-" Hindi ko na siya pinatapos at niyaya na silang kumain. Nakabusangot naman ang mukha ni Yaj dahil hindi ko siya napagbigyan.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...