CHAPTER 29: PLANO
THIRD PERSON POV
Mabilis ang pagtakbo ni Kenji papunta sa kwarto ng kanyang ama sa ospital. Galing siya sa kanyang opisina ngunit tinawagan siya ng kanyang ina dahil may nangyari daw sa kanyang ama kaya naman ay dali-dali siyang nagtungo sa ospital habang labis na nag-aalala sa posibleng mangyari.
“What happened here? Why are you crying mom? Where is dad?” sunod sunod na tanong ni Kenji sa kanyang ina pagkarating nito sa kwarto ng kanyang ama ngunit siya ay nagtataka dahil wala na sa kanyang kama ang kanyang ama at nadatnan na lamang niya ang kanyang ina na nakaupo at nakatulala habang umiiyak.
“Wala na ang daddy mo Yael, iniwan na niya tayo,” sabi ng kanyang ina habang humahagulgol ito sa pag-iyak. Napakunot naman ang noo ni Kenji dahil sa kanyang narinig.
“What do you mean mom? I don’t get you,” tanong ni Kenji sa kanyang ina at sa totoo lang ay doble doble na ang kaba na kanyang nararamdaman sa kanyang kalooban.
“Your dad is dead. Patay na si Ismael at hindi ko ito matatanggap anak. Hindi tayo pwedeng iwan ng daddy mo lalo na sa sitwasyon natin ngayon. Ano na ang gagawin natin Yael? Paano na ang kumpanya natin na pinaghirapang itaguyod ng daddy mo bago ito lumago,” sabi ng ginang habang patuloy parin ito sa pag-iyak.
Nagkaroon sila ng problema sa kumpanya dahil nalaman nila kamakailan lamang na nakasangla na pala ito dahil nalulong sa sugal ang ama ni Kenji at ang kanilang kompanya ang kanyang isinanla upang pambayad sa kanyang mga utang. Nalaman lamang ito ng kanyang pamilya noong ito ay naospital kaya naman ay malaki ang problema ngayon ni Kenji kaya wala siyang oras para kausapin ang kanyang mag-iina at ayaw niya rin na mag-alala ang mga ito sa kanya.
“What? How did it happened? I thought the doctors will do their best to help my dad to recover? How come they let him die?” hindi makapaniwala na tanong ni Kenji at pinipigilan niya lamang bumuhos ang mga nagbabadyang luha mula sa kanyang kulay abong mata dahil ayaw niyang makita ng kanyang ina na mahina siya lalo na ngayon na kailangan ng kanyang ina ang mapagkukuhanan ng lakas sa kanilang sitwasyon ngayon.
“Alam mong malala na ang kondisyon ng daddy mo at hindi na nakayanan ng kanyang katawan na makasurvive. Ginawa na ng mga doctor ang lahat ng kanilang makakaya pero ang katawan na ng daddy mo ang bumigay kaya wala na tayong magagawa doon kaya please pag-isipan mong mabuti ang iminungkahi ko sa iyo. Kailangan mo nang magdesisyon sa ayaw at sa gusto mo Yael dahil wala na tayong panahon,” seryosong sabi ng kanyang ina habang pinupunasan nito ang kanyang mga luha gamit ang kanyang panyo.
“You know that I can’t do what you want mom. I can’t marry Kate because I love Shanbri and we already have kids kaya hindi ko sila pwedeng iwan at ipagpalit ng ganun ganun lang,” seryosong sagot ni Kenji dahil nais ng kanyang ina na pakasalan niya si Kate upang maisalba ang kanilang kompanya.
Naisangla ang kanilang kompanya sa daddy ni Kate na kanilang business partner at hiniling ni Kate sa kanyang ama na ibabalik lamang nila ang kanilang kompanya kapag pinakasalan ni Kenji si Kate ngunit hindi pumayag si Kenji dahil mahal niya si Shanbri at ang kanilang kambal.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo Yael? Hahayaan mo na lang ba na hindi maibalik sa atin ang kompanya dahil sa babaeng iyon? Alam mong nasaktan mo na ako noong nalaman ko na may anak ka na pala sa ibang babae at ngayon ay nais mo parin akong suwayin pagkatapos ng nangyari sa daddy mo. Hindi ka na ba talaga naaawa sa akin ha?” sabi ng ginang na puno ng hinanakit ang boses dahil hindi parin niya matanggap na nagkabalikan na si Kenji at Shanbri at higit sa lahat, mayroon na silang anak.
“I will find another way to save and bring back our company to us but please don’t force me to marry a woman that I don’t love. I hope you can understand me and don’t worry because I promise that I will get our company back. Please just give me time to do that, is that okay mom?” sabi ni Kenji na may nagsusumamong mukha upang pakiusapan ang kanyang ina ngunit hindi siya sinagot nito bagkus nagpatuloy lang ang ginang sa kanyang pag-iyak.
“Let’s not talk about that for now mom. Let’s focus on my dad’s funeral. I know that it’s really hard for the both of us now that dad is already gone but please let’s remain strong. I’m still here mom so stop crying please because you are just making it more hard for me,” sabi ni Kenji na may malungkot na boses at pilit na pinapatatag ang kanyang sarili sa kabila ng nangyari sa kanyang ama. Hinagkan niya ng mahigpit ang kanyang ina na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
___
AT THE VILLAMOR’S MANSION
“Condolence po tita, I hope you are okay. I’m so shocked about the news and I’m so sad for you and Yael because tito has left you but don’t worry tita I promise you that I am always here and I hope Yael will change his mind and decide to marry me so that you will get your company back from my dad,” sabi ni Kate habang hinahaplos ang likod ni Mrs. Villamor na malungkot at tulala na nakaupo sa harap ng kabaong ng kanyang asawa.
“Salamat iha, mabuti na lamang at narito ka. Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat upang makumbinsi si Yael na pakasalan ka. Ang tanging sagabal lang talaga ay ang babaeng iyon at ang kanyang mga anak. Hindi ako makapaniwalang nagpabuntis siya sa anak ko. Sigurado ako na sinadya niyang gawin iyon para matali si Yael sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon,” sabi ng ginang na may panunuya ang boses. Ang tinutukoy niya ay si Shanbri.
“Huwag kayong mag-alala tita at ako na ang bahala sa babaeng iyon. Actually meron akong naisip na plano upang mawala sa landas natin ang babaeng iyon at pumayag si Yael na pakasalan ako sa ayaw at sa gusto niya. What do you think tita? Handa ka bang makipagtulungan sa akin?” tanong naman ni Kate at bahagya itong napangisi sa kanyang sinabi.
“Oo naman iha, ano ba ang plano mo? Maaari mo ba itong ibahagi sa akin?” tanong ng ginang at agad naman na bumulong ang dalaga sa ginang at ipinaliwanag ang kanyang plano. Napatango-tango nalang si Mrs. Villamor at hindi maiwasan ang mapangisi sa kanyang narinig.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...